Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Monday, 3 January 2011

the ulcer saga.

ang alam ko pang may edad na ang ganitong sakit. pero bakit sakin pa! ang sarap-sarap kaya kumain!

sabi ng una kong doktor iwasan ang maaasim. sa totoo lang dahil student nurse ako, alam ko na yung pagkain na maasim talaga ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. iniinom ko kasi ang suka at kumakain ng sili, ng literal. halos naiinom ko siya dahil kada kakain ako, hindi mawawala ang suka at sili sa tabi ko. dun ako ginaganahan! minsan pa sa sobrang pagkahumaliw ko sa suka eh mamimitas ako ng kamyas at ibababad sa suka ganun din sa santol. isa pa lumalaklak ako ng suka kasama ang pipino. ako ang umuubos ng hot sauce sa lahat ng kainan namin at may sarili akong hot sauce sa bahay. nung elem ako, araw-araw, umagang umaga, magrerecess ako ng coke in can isama mo pa ang junk foods. mukang tanga pero yun ang mga trip kong pagkain. at mukang tanga rin ako ngayon habang nagdudusa sa kapabayaang ginawa ko.

naalala ko last year jan 1, 2010 12mn eksaktong pagpasok ng bagong taon, habang lahat sila nagpapakasaya sa putukan at handaan at inuman, naroroon ako sa kwarto nakayupi ang katawan. nanunuyo, nilalamig at pinipilit ipitin ang tyan para lang maibsan ang sobrang sakit ng sikmura. napakasama ng pasok ng taon sa isip-isip ko. MALAS at malas talaga kung tutuusin.

hindi lang doon nagtatapos ang kalbaryo ng sikmura ko, matapos ilang buwan nakalipas ganoon nanaman ang sitwasyon at mas malala pa. sa sobrang sakit eh kinailangan pa kong sumugod sa ospital para turukan ng tatlong gamot. tatlong beses din ako nasugod sa ospital last year lang. 

sa lahat ng tinuturok sakin NUBAIN lang ang gusto ko. may anesthetic effect kasi siya at siguradong makakatulog ka. paggising mo whoalaa! tapos na ang problema mo.

nung huling punta ko sinabi ko na gusto kong magpainject ng nubain para matapos na agad ang problemang to. pero sabi ng doktor huwag daw kasi addicting drug daw yun at lagi ko nang hahanaphanapin. kaya tinurukan lang muna ako ng ranitidine at buscopan. nasuka ko sa ospital at nilabas ko lahat ng munggo na kinain ko at tinurukan nanaman ako ng antiemetic(pampawala ng pagsusuka). at wafakels parin sa kanya at kahit nararamdaman kong waepek yung mga naunang gamot. 

pinapilit ko si ermats sa doktor na turukan na ko ng nubain at babayaran naman namin pero nagmatigas si lalaking doktor. isinambit nanaman niya ang mahiwagang salita na "addiction." keberbs ko ba sa addiction na yan. ang punto dito, kailangan ko ng nubain sa oras na itong namimilipit ako. hindi ko naman hihithitin yan habang buhay na parang yosi pagkatapos nito. at tsaka hindi OTC drugs yan para kaadikan ko tsong. alam ko may point din yung doktor pero ego ko lang ang gusto kong sundin sa mga oras na yun.

di kinalaunan, sa pangatlong attempt namin na makiusap sa kanya eh tinurukan din ako ng nubain. sampung minuto pa lang ako nakakatulog dahil sa side effect ng nubain eh ginising agad ako ng hinayupak nadoktor na ito. hindi pa masyado nawawala ang sakit ng tyan ko at gusto kong pang matulog sa kama nila eh minamadaling paalisin na agad ako. baka daw kasi may dumating na pasyente. gabi yun at bibihira ang may itakbo sa ganung oras besides marami pang kama. ang bobo nyang doktor! sobra! sinira nya ang effect ng gamot. tarantado siya porket hindi lang nasunod ang gusto niya na huwag ako paturukan at iconfine na lang, ganun na ang trato niya sa pasyente. palibhasa kikita siya ng malaki pag kinonfine ako.

sisiguraduhin kong hindi na ko babalik sa ospital na yun kahit kelan.


the end!

No comments:

Post a Comment