Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Circa 1991.

Wednesday, 26 January 2011

bahala na

ilang days na rin since yung last birthday ko at sabi ko susundan ko yung kabanata ko kay girl2. ikinalulungkot ko nalibre ko nga siya pero sumabay siya sa mga barkada ko sa panlilibre ko ng taho. kaya wala nang dahilan para ilibre ko siya ng scramble ng kaming dalawa lang. babaw ng problema ko eh no?

pero sa totoo lang kapansinpasin na ang lagi naming pagsasama sa skul. maski sa isang subject lagi kaming magkatabi at hindi ko alam marami na pala nakakapansin samin at nagtatanong, higit sa lahat nagsisimula nanaman ang kantyawan kahit kaharap siya kaya alam ko nakakaramdam na rin siya na may balak ako.

hindi kami ganoon ka close kasi wala pa sa point na pinag-uusapan namin yung mga private life ng isa't-isa at may distance pa rin samin kahit magkasama kami kaya wala akong nakikitang spark. ulol. pero seryoso may nararamdaman akong kakaiba(na naramdaman ko kay una) na minsan gusto ko na siyang tanungin kung pwede ba siya ligawan. minsan nagdaday-dream ako sa klase na gf ko na siya at sabay kami umuuwi galing sa duty sa ospital. sa dami ng nakakapansin at nangangantyaw samin lumalakas nanaman ang loob ko. pero natatakot akong mauwi nanaman sa pagka-emo 'tong balak ko, at itinanim ko sa kokote kong dala na ko sa una at pagkagraduate ko na iisipin ang lecheng pagibig na to.

kung nababasa lang niya ang blog na to, sana magreply siya ng oo :) sa ngayon, zero intention muna ko. ika nga, good things happen for those who wait. bahala na!

Tuesday, 18 January 2011

hbd sakin!

eto na yata ang pinakaboring kong birthday. nag garena lang ako buong araw. walang handa. isang libo pambirthday. ang ganda nga naman talaga. manlilibre pa ko ng mga tao.

tatlong beses akong binati ni girl2. isa sa pm sa fb. isa wall ko. isa sa text. kinantyawan niya ko ng libre. sabi ko ililibre kita kapag sa wall mo ko binati. ayon pinagbigyan ako. then nagcomment ako.

ako: take your pick. taho o scramble?  kunat ko eh no?


ang tagal niya magreply. so nag comment ulit ako.

ako:ayaw mamili ohhhhh haha!

girl2:teka pinag-iisipan q p ng mabuti!!! lol

girl2:SCRAMBLE nlang! ung malaki ha! XD

iniisip ko bakit yung scramble pa. eh malayo ang bilihan nun samantalang sa gate lang ng college yung taho. kakakeleeeeeg naman tong iniisip ko haha. assuming lang yata ako na gusto niya magsolo kaming dalawa. hihintayin ko ang susunod na kabanata nito. papayag kaya siya pag niyaya ko siya ilibre ng kaming dalawa lang hmmmmm....

minsan nga iniisip ko naghihintay lang to eh at baka maiinip at magbago pa ng isip sa bagal ko gumalaw. pero mamaya naman wala pala siyang feeling sakin at isang malaking assuming lang pala ko. eto nanaman akong walang kadaladala mabrokenhearted haha! at least ngayun walang kaagaw. :)

Monday, 17 January 2011

120 days of lie pt.5

ikatlong buwan ng kasinungalingan
february

kinabukasan....

kinabukasan valentine's na. ang hirap dalin ng bulaklak sa skul ng walang nakakapansin. lahat nagtatanong. at halos lahat rin alam ang panliligaw ko kay girl.

nung tanghali timing na pauwi siyang bulacan at break ko, pinuntahan ko siya sa dorm niya. sinupresa ko siya sa baba ng dorm at dun binigay ko ang mahiwagang mapupulang rosas na gustong-gusto magtapat ng pag-ibig. pero nangangatal ako sa kaba. umaapaw ang cardiac output ko sa bawat segundong katabi ko siya. parang akong nasa hyperbolic time chamber ni master kami ng dbz sa sobrang bagal ng oras. pero bigo akong sabihin ang mga makesong salita na "mahal kita," "will you be my gf," "alam mo bagay tayo kasi parehas tayo medyo kulang sa height" at kung anu-ano pa. pero ang importante kahit hindi ko sinasabi, sa kulay pa lang ng rosas, nilatay na siya ng pagmamahal ko. ang baduy ko amp!

kinabukasan, nakita ko na lang sa fb ang mga bulaklak at gifts ko na pinicturan niya kasama siya. ang sarap sa feeling sa lalaki nun kasi ibig sabihin pinahahalagahan niya yung binigay mo. at higit sa lahat may pag-asa ka. hindi ba? mageeffort ba ang babae na gawin yun kung wala rin siyang motibo?

nakausap ko siya sa fb at puro thank you siya sa sakin. ngayun lang daw kasi siya nakatanggap ng ganun. sa tatlong basurang bf nya nakalipas wala daw nakagawa ng ganung kasweetan. ganun, eh di ang laki na ng points ko dyan, gusto ko sabihin ng garapalan pero nanaig si mr. nice guy at nagpaka-nice ng sukdulan...


dumating sa point na sinabi ni girl na lalayo na lang daw siya kasi pakiramdam daw niya na siya ang dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin ni M. na giguilty daw siya. gusto niya magkabati kami ni M dahil napapansin na niya yung gap at ayaw niyang mauwi sa awayan. dahil natatakot akong mawala siya, nainitiate akong makipagayos. dahil affected na rin ang grupo namin tinawag ko sila lahat. tsaka may iba pa kasing problema ang barkada na dapat ayusin. as witness kasama din si girl. ewan ko nung habang naguusap kami ni karibal eh hindi ko napigilang umiyak sa harapan nilang lahat. sinabi ko....


"bakit siya pa. kaibigan kita eh."
"ewan ko bigla na lang eh."
"mahal mo ba talaga siya?"
"oo."
"eh di may the best man win na lang?"


halos ayokong sumagot sa tanong nyang yun dahil pakiramdam ko wala dapat hindi mo dapat binalak na ligawan ang babaeng alam mong nililigawan na ng kaibigan mo....
patuloy ang pagluha...

itutuloy...

Wednesday, 12 January 2011

paaalam porn...

sa lahat ng lalaki ako lang yata ang gagawa nito. elam nyo ba.

sabi ko isasama ko siya sa new year's resolution ko pero ang lupit niya talaga. ang hirap kapag nasa kwarto mo lang ang pc at walang tao. konting type lang sa google at enter lalabas na agad ang mga paborito kong palabas. buti sana kung hanggang nuod lang ginagawa ko. ang hirap maglinis! ampf! tsaka pag nasimulan sigurado masusundan agad.

ilang taon ko na rin pinagtitiisan na labanan siya pero parang droga ang tama. kung meron lang sanang pangrehab para dito matagal ko nang pinasukan. self-discipline? gumagawa lang akong thesis pagtingin ko nasa youjizz na ko at magkakadisiplina ka pa ba kung si katrina halili o si maria ozawa ang nasa harapan mo? hindi manong!

ginawa ko naghanap ako ng porn blocker. hindi pwedeng block block lang sa google options, naaunblock ko kasi haha dapat software talaga. salamat sa libreng BLUE COAT K9 WEB PROTECTION dahil sa kahit anong hanap ko sa kanila ngayun eh nagdisappear lahat. wala sa search engine, wala rin sa direct url. maski nga simpleng hentai burado.:)) hindi na rin ako matetemp manuod at mag-j. wag lang sana akong topakin at i-uninstall siya. 


sana magtagal tayo k9! mahal na kita

Tuesday, 11 January 2011

madaling araw

1:30 na ng madaling araw at nakarinig ako ng ingay ng mga lalaki sa labas. sumigaw yung mga lalaking nakamotor,

"sige takbo! gago!"

dahil sa second floor namin ako natutulog at gising pa ko nung mga oras na yun, sinubukan kong umakyat sa rooftop. amf na mga punong yan at hinarangan ang perfect scene kaya nakinig na lang ako.

isang malakas na "blag" at "aray ko!" at sunud-sunod na suntok ang narinig ko. nakapanghihina pakinggan.

sa totoo lang hindi lang yan ang pinakaunang senaryo dito sa amin. kadalasan makakakita ka na lang ng mga nagbabatuhan, naghahabulan at minsan pa nga may bumubulagta na lang at yun patay na pala. pinamumuguran yata kami ng mga basagulero.

Wednesday, 5 January 2011

letrato.

maayos naman ang trabaho ko dito sa pinapasukan ko. sa wakas sabi ko at nakita ko na rin ang mga kamag-anak ko dito na matagal ko nang hindi nakikita. lahat kasi sila ay napetition na at pamilya na lang namin ang naiwan sa pilipinas. sabi ng mga barkada kong narsing din ang kinuha na ang swerte ko daw at nakalipad agad ako dahil sa may kapit ako. well, ganun talaga hayaan niyo at tutulungan ko kayo makarating din dito at sabay-sabay tayong hahakutin si benjamin. habang nakatingin sa di kalayuan, dito ko napagtanto kung bakit ba narsing noon ang pinagpipilitang kurso ang pinakuha sakin ng nanay ko. galit pa ko nun dahil sabi ko computer course ang gusto at mahirap makipagsapalaran sa nursing sa dami ng kumukuha. pero ngayon nga at nandito na 'ko, tumatapak sa lupang hindi ko alam ang kasaysayan, kung kumita naman ay daig pa ang nanalo sa lotto. sigurado pagbalik ko magpapabwenas ako ng limpak-limpak!

ulol! joke lang yan! haha. nasa fort santiago lang ako nyan. nananaginip nanaman kasi ako ng gising. sana lang tama nga si ermats sa kursong pinakuha niya noon at mali ako. inperness ang hirap magpakuha sa mga foreignjer na yan ang iilap. nanlililit pa akooo ohhhh....lol hanggang dito na lang muna ang panaginip ko!

Tuesday, 4 January 2011

ooooonline.

OMFG! bkt ako kinabahan nung nagonline siya sa ym? at yung  ym pic ko, yun pa rin since nung nililigawan ko pa siya. tsk tsk akala niya siguro hindi pa ko nakakamove on! sh*t!





















kahit hindi naman talaga. lol, partly siguro.

120 days of lie pt.4

ikatlong buwan ng kasinungalingan
february

sa lahat ng buwan eto na siguro ang pinakagusto ko sa aming dalawa. marami-rami ang nangyari sa amin sa buwan na to. sana ginawa nalang 28 years ang february para nasulit ko ang mga oras namin pero 28 days lang talaga at sana sa huling hirit ginawa na lang 31 days kung hindi pwede ang 28 years. lingid sa kaalaman ko na lumalapit na rin pala ako sa katapusan ng kasinungalingang ito.

dito na nagsimula ang ikalawang struggle ko para sa kanya.
hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. mas mahirap ang sitwasyon ko dito kumpara sa "kasabay niya sa bus" struggle ko. this time, mas matindi ang sakit na nararamdaman ko.

february na at dalawang malaking event ang hinihintay ko sa buwang ito: 14 at 28. valentine's kasi sa 14 tapos birthday naman niya sa 28 kaya pagpasok pa lang ng pebrero, nagiisip na agad ako ng mga plano ko para sa kanya. gumagawa ako ng mga pakulong perstaym at hindi ko alam ang kahihinatnan.

dito na rin nagsimula ang gap namin ni M. ang dating magbespren ang turingan, ngayon daig pa sa traydor ang tingin ko sa kanya. kaya pala sa mga oras na to minsan twing nagsasama-sama ang barkada, naririnig kong naguusap si "kasabay sa bus" at si M yun pala tungkol na yun kay girl. mabubuti nga silang kaibigan. dito ko rin napagtanto na maski si "kasabay sa bus" eh mas boto kay M para kay girl.

nagpatuloy ang walang katapusang text namin ni girl. hindi ko alam patuloy rin pala ang text nila ni M. minsan habang magkatext kami bigla na lang niya kong lolokohin na si ganyan na lang kasi ligawan mo ganoon, ganoon. naasar ako kasi nakakaramdam ako ng rejection pero binalewala ko, nagbulagbulagan ako. may mga times naman na ang sweet namin kasi matutulog daw siya saglit tapos tawagan ko daw siya para magising siya at ako pa ginawang alarm clock.

dumating na nga ang araw ng mga puso. nung 13, naisipan kong pumunta sa dangwa kasama ang ilan kong barkada dahil bibili din sila ng bulaklak. bumili din ako ng dvd kasi alam kong gustong-gusto niya yun panuorin dahil yun lagi ang nababangit niya sakin tuwing naguusap kami. sinamahan ko rin ng chocolates para kumpleto ang package. medyo classic at gasgas na ang dating ng plano ko pero sabi ko "hindi ko alam, bahala na, kung makakapoints ba ko sa gagawin kong to why not."

kinabukasan....

handa na kaya ako.

sabi ko sa sarili ko mangchochorva lang ulit pag may trabaho na ko. yun bang stable na ko para there's no turning back. pero nakanangbitch naman parang matagal pa yun eh. umaasa pa ko na magiging kami ni pseudopast pero habang tumatagal, mas nagiging strong pa yata sila.

pero may gusto akong itry ngayun at ewan ko kung handa na ulit akong manira ng friendship. ehem friendship namin, hindi ng iba take note.

naging  medyo close kami dahil sa org na pinapasukan naming dalawa. three-man work kasi kami dun. at laging kaming tatlo lang nagkikita pero tapos na yun eh nakapublish na kami ng output. ang importante nakapagtanim na kami ng konting friendship haha.

hindi ko alam bakit approach siya ng approach sakin. kung sa bagay approachable naman talaga ako. pero may parang mali, may nararamdaman akong something. something na naghihintay siya. sana assuming lang ako lagi at kasi siya ang unang pumapansin samin pag nagkikita kami. tapos minsan kaming lang dalawa ang magkasama sa library. alam ko ang TANGA ko kung bakit hindi ko pa itake yung opportunity naturingang oportunista pa naman ako ulol! haha! hanggang ngayon kasi traumatized pa rin ako sa bitch na yun kahit 7 months na nakararaan. hanggang ngayon umaasa pa rin ako na maghihiwalay sila at kami naman. pero panaginip na lang siguro yun. kaya isnumpa ko sa sarili ko na manliligaw lang ulit ako kapag graduate na at may stable job na ko. sa totoo lang bulls*hit ang idea na yun.

ayokong mawalan nanaman ng kaibigan. natatakot akong maulit nanaman ang nakaraan. gusto kong subukan pero ang daming pero. bahala na

Monday, 3 January 2011

ikaw.



PUSONG LIGAW - JERICHO ROSALES

bakit ba ikaw agad naisip ko nung narinig ko tong kantang to. pakiramdam ko tuloy sadyang naliligaw ako. ikaw lang at unang nagpaiyak sakin ng ganun. hayyys kahit kaibigan ko ang nakatuluyan mo, kahit magkagalit tayo, iniisip ko pa rin one day magiging tayo. waaaaa! shemmmmmmmaaayyyyyyyyyyy! korni ko. haha

the ulcer saga.

ang alam ko pang may edad na ang ganitong sakit. pero bakit sakin pa! ang sarap-sarap kaya kumain!

sabi ng una kong doktor iwasan ang maaasim. sa totoo lang dahil student nurse ako, alam ko na yung pagkain na maasim talaga ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. iniinom ko kasi ang suka at kumakain ng sili, ng literal. halos naiinom ko siya dahil kada kakain ako, hindi mawawala ang suka at sili sa tabi ko. dun ako ginaganahan! minsan pa sa sobrang pagkahumaliw ko sa suka eh mamimitas ako ng kamyas at ibababad sa suka ganun din sa santol. isa pa lumalaklak ako ng suka kasama ang pipino. ako ang umuubos ng hot sauce sa lahat ng kainan namin at may sarili akong hot sauce sa bahay. nung elem ako, araw-araw, umagang umaga, magrerecess ako ng coke in can isama mo pa ang junk foods. mukang tanga pero yun ang mga trip kong pagkain. at mukang tanga rin ako ngayon habang nagdudusa sa kapabayaang ginawa ko.

naalala ko last year jan 1, 2010 12mn eksaktong pagpasok ng bagong taon, habang lahat sila nagpapakasaya sa putukan at handaan at inuman, naroroon ako sa kwarto nakayupi ang katawan. nanunuyo, nilalamig at pinipilit ipitin ang tyan para lang maibsan ang sobrang sakit ng sikmura. napakasama ng pasok ng taon sa isip-isip ko. MALAS at malas talaga kung tutuusin.

hindi lang doon nagtatapos ang kalbaryo ng sikmura ko, matapos ilang buwan nakalipas ganoon nanaman ang sitwasyon at mas malala pa. sa sobrang sakit eh kinailangan pa kong sumugod sa ospital para turukan ng tatlong gamot. tatlong beses din ako nasugod sa ospital last year lang. 

sa lahat ng tinuturok sakin NUBAIN lang ang gusto ko. may anesthetic effect kasi siya at siguradong makakatulog ka. paggising mo whoalaa! tapos na ang problema mo.

nung huling punta ko sinabi ko na gusto kong magpainject ng nubain para matapos na agad ang problemang to. pero sabi ng doktor huwag daw kasi addicting drug daw yun at lagi ko nang hahanaphanapin. kaya tinurukan lang muna ako ng ranitidine at buscopan. nasuka ko sa ospital at nilabas ko lahat ng munggo na kinain ko at tinurukan nanaman ako ng antiemetic(pampawala ng pagsusuka). at wafakels parin sa kanya at kahit nararamdaman kong waepek yung mga naunang gamot. 

pinapilit ko si ermats sa doktor na turukan na ko ng nubain at babayaran naman namin pero nagmatigas si lalaking doktor. isinambit nanaman niya ang mahiwagang salita na "addiction." keberbs ko ba sa addiction na yan. ang punto dito, kailangan ko ng nubain sa oras na itong namimilipit ako. hindi ko naman hihithitin yan habang buhay na parang yosi pagkatapos nito. at tsaka hindi OTC drugs yan para kaadikan ko tsong. alam ko may point din yung doktor pero ego ko lang ang gusto kong sundin sa mga oras na yun.

di kinalaunan, sa pangatlong attempt namin na makiusap sa kanya eh tinurukan din ako ng nubain. sampung minuto pa lang ako nakakatulog dahil sa side effect ng nubain eh ginising agad ako ng hinayupak nadoktor na ito. hindi pa masyado nawawala ang sakit ng tyan ko at gusto kong pang matulog sa kama nila eh minamadaling paalisin na agad ako. baka daw kasi may dumating na pasyente. gabi yun at bibihira ang may itakbo sa ganung oras besides marami pang kama. ang bobo nyang doktor! sobra! sinira nya ang effect ng gamot. tarantado siya porket hindi lang nasunod ang gusto niya na huwag ako paturukan at iconfine na lang, ganun na ang trato niya sa pasyente. palibhasa kikita siya ng malaki pag kinonfine ako.

sisiguraduhin kong hindi na ko babalik sa ospital na yun kahit kelan.


the end!

Sunday, 2 January 2011

120 days of lie pt.3

pangalawang buwan ng kasinungalingan
january

hindi ko madiretso si girl kung nanliligaw ba si close friend kasi tingin ko wala kong right para tanungin yun. di ko lam kung bakit eh (keber?) text text ulit kami ni girl. kwento dyan kwento dito. makapal ang mukha ko sa text eh pero in person magkausap kami hindi naman. minsan nga nagpustahan kami tapos kung sino manalo magbibigay ng gift. syempre ako naman sadyang nagpatalo. akala nya biro lang yun pero nagulat siya nung binigyan ko siya ng red ribbon cake paguwi niya sa bulacan o gapo (hindi ako sigurado eh).

nung mga oras na akala ko jackpot na ko dahil tingin ko malabo na talaga manligaw si "kasabay sa bus" at mas malapit na kami ngayun ni girl, saka naman may biglaang nagyari na sobrang f*ucking hindi ko inaasahan. imba sa surprise. tinetext ako dati ni eloi na tingin niya eto si M may balak na manligaw kay girl pero sabi ko ng buong loob at walang pagaalinlangan na hindi yan kasi barkada natin yan, tagapayo sa lablayf ko at kasa-kasama ko lagi. siya pa nga kasama ko nung bumili ng cake sa red ribbon eh.

nung birthday ni M sinabi nya na ililibre nya ang barkada. sa gabi na yun magkakasama kami, biglang gulat ko at inimbitahan niya si girl. mas close pa sila kaysa sa amin ni girl. sila ang magkatabi at hawak pa ni M ang gamit ni girl.

P.I. TO THE HIGHEST ang gulat at galit ko! pero kailangan calm pa rin ako para hindi pumangit ang image ko kay girl. hindi ko maipinta ang nararamdaman ko at habang magkakasama kami na kumakain eh natapon ko ang softdrinks niya. nakakahiya sa kanya at sa grupo pero tuloy pa rin ang show. naisip ko sana matapos na ang gabing to. sana bangungot lang ang nakikita ko na mas close pa sila more than kami ni girl. F*UCK!

"alam niyang nililigawan ko si girl pero bakit naman ganun. kaibigan kita, kaibigan mo ko. sayo pa ko minsan nanghihingi ng payo. crossing the line na yang ginagawa mo pre." yan ang iniisip ko sa mga oras na pauwi kami pero wala kong lakas ng loob para isambulat ang nararamdaman ko. gusto kong ipaliwanag ang ethics of friendship at ayoko rin namang masira yun dahil may pinagsamahan naman kami kahit sa college lang kami nagkakilala.

lugmok na lugmok ako pag-uwi sa bahay. pakiramdam ko tinalikuran ako ng mundo kung bakit mga kaibigan ko pa ang mga karibal ko sa pag-ibig. kung bakit nagagawa nila sakin ang ganitong bagay ng walang konsensya.

itutuloy...

120 days of lie pt.2

pangalawang buwan ng kasinungalingan
january

sabi ng isa naming kabarkada, "aw may balak yan." sabi naman nung isa (tawagin natin siyang M dahil malaki ang gagampanan niyang role sa kwentong to), "sigurado manliligaw yang lokong yan." at sa dami kong nakikitang ebidensya at opinyon nila, naging balisa tuloy ako. sa dami pa kasi na pwedeng maging karibal eh kaibigan ko pa.

enero na at first week pa lang ng pagbalik ng klase ay nakatanggap ako ng regalo mula sa girl. kay eloi lang nga niya pinaabot dahil hindi kami nagkita nung umaga. siyempre tuwang-tuwa ako. kung bibigyan ka ng babae ng gift, ibig sabihin may effort din siya para sayo at may pag-asa ka. hindi nawawala samin ang text kasi yun na lang ang way ko para makausap ko siya.

tapos nun nagplano-plano kami na pumunta ng star city. kasama ang barkada at ibang prends. niyaya ko si girl at siyempre kasama sa lakad si "kasabay-sa-bus close friend niya." hindi na sumama si girl kasi sigurado hindi rin niya maeenjoy kasi nga naman hindi niya kilala yung ibang prends namin dun. buong akala ko siya lang ang hindi makakasama. dun sa araw ng kitaan papunta sa star city, nagtext si "kasabay-sa-bus" na hindi daw siya makakasama. ang masakit pa nun, ang dahilan niya eh dahil hindi daw kasi kasama si girl. hindi siya pupunta kung hindi sasama si girl.

f*ck! sa isip-isip ko. ang landi ng dahilan mo. ganyan ba ang walang balak manligaw?

inenjoy ko muna ang star city namin at kinalimutan ang galit ko sa buhay. alam ko pagtapos nito didiretsuhin ko nanaman ang malanding barkada kong yun.

paguwi ay tinext ko agad siya. malumanay ako sa text pero straightforward lahat ng message ko. kagaya ng dati ang sabi nya, "wala akong balak pre, hindi ako ganun sa mga kaibigan ko." ayun naman pala maliwanag eh pero sana ganyan din ang ginagawa mo hindi lang sa salita. ang kinabubwisit ko pa sa taong to eh sa pagkahaba-haba ng mga text ko kung magreply puro one o two words lang. amp! parang nagsasayang lang ako ng oras at load sa ganyang reply.

itutuloy...

120 days of lie pt.1(2/2)

unang buwan ng kasinungalingan
december

huling kita namin nung disyembre ay ibinigay ko ang regalo ko sa kanya. punong-puno ng kaba, text, text at text kung nasaan siya  ganyan, ganito. this time, hindi ako sumabay sa barkada ko para makita ulit to si girl dahil nga sabay sila umuwi at hindi ko talaga sinabi. pinuntahan ko siya sa dorm niya malapit dun sa skul ng mas maaga at doon ibinigay ko ang regalo ko. dahil gusto ko masolo ko naman siya kahit sandali. kinakabahan ako noon kaya nangingig ang boses ko habang kausap siya at ibinibigay ang regalo at palakad papuntang 711 kung saan dun sila nagkikita nung kabarkada kong kasabay niya pauwi. first time ang lahat, bagong-bago ang mga senaryo kaya hindi ko alam ano ba dapat ang ilalabas na salita sa bawat pagbukas ng bibig ko.

una kong struggle sa kanya ay sa barkada kong nakakasabay niya pauwing bulacan. nagkakilala daw kasi sila sa friends for sale ni girl at ayun naging close friends na sila. nagselos agad ako kasi kung makaporma yung barkada ko eh parang manliligaw na. mayroon pa silang tawagan na "boss" at ang sweet pa nila. masakit pa nun, nagsweet back si girl. naisip ko tuloy dapat komprontahin ko na siya kung may balak ba talaga siya manligaw. tapos, tinanong ko siya, "usapang matino, ano ba talaga plano mo at diretsuhin mo ko," ang sagot niya sakin wala daw. pero hindi nagmamatch ang sagot niya sakin sa ginagawa niya. nagdaan tuloy ang pasko ko na puro mukmok. dehado ako sa isip-isip ko. sabay pa sila umuwi. sa bus pa lang na magkasama sla sa mahabang oras siyempre kung anu-ano na iisipin ko. may narinig pa akong hinahatid nya sa bulacan 'tong girl na to at gusto daw siya makita nung lola ni girl.

itutuloy…

tips oh.

mga napagmasdan ko pano mamula ang notifications mo sa fb:

1. kung gusto mo pagbalik mo tadtad ka ng notifications sa fb, batiin mo lahat ng friends mo pag may okasyon. sigurado babatiin ka rin nila at baka sa wall mo pa. haha

2. mang okray ka ng stat msg nila. hindi gagana kung palikelike ka lang. pwede rin i-like mo para pag may naglike na iba, makikita mo sa notification traffic mo.

3. palitan mo relationship status mo. sigurado may mga mang chicheese max dyan.

4. gawing chat box ang comment. try mong magreply sa active posts babahain ka talaga.

5. manghamon ng away.

6. palitan mo yung birthday mo, kunyari ngayon na para batiin ka nila.

7. magpaawa epek. "magulo sa bahay namin, iiyak na ko. please help!"

8. kailangan maganda't gwapings ka para interesado sayo lagi ang mga tao.

9. be flirty.

10. show your daring pictures!

gaya-gaya puto maya paglaki buwaya!

bakit ba ang dami naggagaya sakin. yung iba consistent pa haha.
ganun ba ko kaimpluwensya? haha
nagpalit ako ng fb dp na naka pang-OK sign yung kamay tapos yung
isang hs bff group ko ganun din ang pose. haysss pwede namang iba.

yung isa naman same din kasi nakaclose-up yung mukha ko dun sa pic,
ginawa nya focused din pes nya. tsaka yun magpapalit, pag nagpalit din ako.

gumawa ako sa adobe ng greetings pic pang tag, gumawa din siya.
pinalitan ko design ng banner ko sa nilalaro ko pinalitan din niya.
amp ah grrrr ahah!

yung isa naman nag dear kasi ako sa kanya, ginagamit narin nya yung
dear na word. pero ok lang haha hindi ko naman hilig gamitin yun.

pero sa totoo lang nanggagaya din ako sa mga tao. kaasar lang
pala talaga pag nakikita mo yung ginawa mo sa kanila na parehas.

nasan si original pringles na ginaya ni lay's stax!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, 1 January 2011

new year's eve. eto kwento.

saya ng new year.
kasama pamilya eh. share share ng handa tapos pag-iisahin.
then putukan, paagaaw ng barya haha siyempre kasama parin ako dun,
kainan, exchange gifts, palaro  - pinoy henyo(medyo bata pero kwela pag pamilya),
inuman, nood ng petrang kabayo amputa,
tulog ng alas kwatro, gising ng ala sais,
puntang sementeryo, puntang circle.
uwi, tulog, kompyuter.

bihira lang kami magsama-sama ng ganun kaya sinulit todo.
problema nga lang hindi ko kaclose mga pinsan ko. halos lahat sa erpat at ermat side. naiingit nga ako sa mga taong halos barkada na turing sa mga insan nila. yung iba kasi ang layo ng agwat sa edad ko, yung iba may mga sarili nang pamilya at mga basagulero at mga gago lang talaga, yung iba naman malalayo, at yung iba naman family boundaries ek -ek. kaya kung makakasama ko man sila hindi kami ganun magkakaclose. sad nu? buti pa nung bata ako lagi ko silang kalaro. sana hindi na lang pala ko tumanda.

hindi ako naniniwala sa chinese astrology pero naisipan ko magbasa kanina. nalaman ko malas pala talaga ang 2010 ko kasi nga year of the goat ako tapos year of the tiger ang 2010. kung baga, prey ako, weakest ako sa taong yun. tapos ulit binasa ko yung mga ibig sabihin at totoo nga. nagmatch nga siya dun sa nangyari sakin ng 2010. yung tiger pala is yung barkada kong p*tang in*ng traydor na kumikilos palihim. well, tapos na yun nagrereminisce lang haha! ngayon, goodvibes ako, goat at rabbit ba naman magsama, masyadong silang match. parehas gulay kinakain, parehas hindi aggressive kaya puro +++++++++++++ ako ngayong taon.

yun lang. nanghula lang.

P.S.
tingin ko wala pa rin akong lablayf dis year. sumumpa kasi ako dahil nadala ako nung huli. mampepektus lang ako pag may trabaho na ko talaga.