Follow Me, Follow You

Saturday, May 21, 2011

❚ student nurse

   Malapit nanaman magsimula ang bagong semestre. Haharapin ko nanaman ang pinaka-sikat na kurso sa Pilipinas. Simula nanaman ng kalbaryo sa paggising sa umaga at kapag na-late ng gising, yung drayber nanaman ng dyip ang pagdidiskitahan ko. Eh sa totoo namang ang bagal nila magmaneho eh. Kung alam lang nila kung anu-ano na sinasabi ko sa isip ko tungkol sa kanila, kaya madalas umaga pa lang nagkakasala na ko. Ang hirap talaga pag nursing, wala kang karapatan ma-late. Sinasanay daw kami dahil buhay lagi ang nakataya kapag nasa totoong setting na. Hindi kaya biro ang ma-late, isa pa babayaran namin yun o magkakaroon ng tinatawag na Repeat Rotation o Make-up Duty—ibig sabihin magduduty ka ulit.

   Hindi ka rin pupwede pa petiks-petiks. Lalo na kung natoka ka sa mga Clinical Instructor na akala mo may lahi siyang Premenstrual Syndrome o PMS, alam niyo na yun. Ang sungit at dapat lagi kang busy, yun bang hindi ka nauubusan ng gagawin, dun pumapasok ang term na toxic. Kaya sa totoo lang, suki na ako ng mga pasyente sa pag kuha ng Blood Pressure. Minsan kahit yung mga bisita nagpapakuha rin. Nakakatuwa kapag nakikita mo mga reaction nila pag sinabi mong 140/90 po, ang taas po ng BP niyo, takot na takot sila nun, mataas na ba yun ano ba ang dapat na BP iho? Ah ehh ang normal po talaga kasi na BP ay 120/80 pero depende po iyon, may mga tao po kasing....Diba sikat ka kasi pakikinggan ka talaga nila.

   Meron din namang mababait na CI, yun bang nakaalalay sa lahat ng gagawin mo. Hindi nagagalit at higit sa lahat nakikipagkwentuhan. Minsan na-assign ako sa pedia ward, kukuhanan ko sana ng vital signs kaso iyak ng iyak yung bata, takot sa mga nurse at doctor lalo na hindi pa naman ako child friendly kaya yung CI ko na ang gumawa. May mga CI kasi na bahala ka pasyente mo yan, gawan mo ng paraan yan.

   May mga bagay na ayoko gawin kapag duty. Una, ayoko magpalit ng bedsheet ng sandamakmak na kama ng pasyente. Pakiramdam ko kasi housekeeper ang dating ko habang pinanonood nila ko gawin yun. At pangalawa, ayoko magpaligo o magpunas ng pasyente, depende na lang siguro kung maganda ang pasyente, kadalasan hindi. Ayos lang sa akin ang lahat wag lang ang dalawang yun.

   Sabi nila kung nurse ka dapat madaldal ka kasi way mo yun para ma-assess mo ng husto yung kalagayan ng patient. Intimidating to especially sa mga student nurse. Mahirap magbuild ng rapport lalo na kung hindi ka madaldal, o worst sa lahat shy-type. Uso pa ba yun? Mapagtatanto mong makapal din pala mukha mo pag nandun ka na.

   Sobrang dami pang experience pag nasa area ka, hindi mo mapapansin tapos na pala ang 6-8 hours shift mo na hindi man lang umuupo.

   Sa totoo lang trabaho ang laging iniisip ko kapag tapos na ko. Marami ang nurse ngayon sa Pilipinas na walang trabaho, maraming ka kompitensya para makapasok kaya pakiramdam ko naghihintay ako sa wala. Sana lang mali ang akala ko, sana lang...

Sunday, May 08, 2011

Aftermath.

It has been quite some time since we last spoken and despite of, it was not a good one. To say for most people, our definition of right over wrong and my fault over their fault varies. And where pride complements prejudice, thus sightless beings who become impassive are made. The once a docile tree holding out against the sinewy wind, could wither any time off the season.

Time is the greatest antidote of all time—the most conspicuous prescription yet barely prescribed. It serves as an epinephrine which strengthens myocardial contraction when heart seems to die. And any emotional gaps farther as between cosmos, will come to close, gradually. As emotions coincide with time that  however cold, it will slowly melt by the moment our hearts become versed with sympathy.

We came to visit M yesterday and as expected, I saw them both. I will not delve much into details pero it went very smooth. I have done my part and I do not feel remorseful of it. I have no hard feelings. I hope they do feel the same.----

Here is the little peek how it went off:
Ako: Ui, namiss kita...
Bromance-hug
M: Ako din, kamusta kana?
Ako: Eto, napagisip-isip ko hindi pala si F ang gusto ko ikaw talaga. Daming nga nagkakagusto sakin ngayon di ko lang pinapansin.....lol
The rest is tawanan and kwentuhan.

This post, I believe, will mark the end of my grudges against them or any thing which concerns our past.

Wednesday, May 04, 2011

What should I do?

Kailan lang nakatanggap ako ng text message sa isang barkada.

Ken punta tayo sa *General Hospital, nasagasaan daw si M, nahagip yung paa. Game ka?

Remember this guy from my story 120 days of lie. He used to be a friend of mine. To cut to the chase, siya yung kaibigan kong sinulot yung nililigawan kong girl, deliberately. In the end, they both end up hating me and I hating them more. And in the past months, actually over a year already, we have been neutrally pretending to be like strangers. I oftentimes walked right them without saying a word or simply nod notwithstanding I find it obviously natural for those people who had gone through all these issues.

The whole barkada, I think, is going to pay a visit this Saturday since he recently had an operation—a tibial fracture to be corrected. Lately, I have been asking myself if I should go or not. I don‘t exactly even know how to start a conversation with him or to both of them. Magiging friends ba ulit kami kung pupunta man ako dun or I would utterly turn out mean kung hindi? Badtreppp.