i feel lonely. uLOLvalentine’s na valentine’s nagmumukmok lang ako dito sa bahay. uulitin panoorin yung 500 days of summer (nakakalimang daan na ulit na yata ako -joke pangalawa pa lang). tapos iingitin yung sarili na buti pa yung iba may gf bf. may kadate. may ka holding-hands habang naglalakad pauwi. may katawagan na hon, bhie, labs, mahal, ney. na yung ibang lalaki ngayon busy-ing busy bumili ng bulaklak, chocolates, at magisip ng paraan pano nanaman atakihin sa kilig ang babae. yung iba nasa motel ahhhuuummm. kelan kaya ako magkakaroon ng kwento para sa valentines.....kwento ako ng kwento sa lablayf ko pero puro kabiguan lang naman.
tungkol nga pala kay girl2, tingin ko cease fire ko na ang pangchochorva ko sa kanya. ewan ko parang ang dami kasing lalaking lumalapit sa kanya. kasi nga single siya eh, boys magnet. tsaka parang na “turnoff“ ako kasi pinababayaan nyang i-holding hands siya(nasasarapan? pwede naman magsalita na wag o iiwas mo yung kamay mo), at hawakan siya sa may gilid ng tyan. tsaka na va-vibes ko yung isa kong barkada may mission impossible rin. gulat nga ko eh nakita ko hinalikan niya likod ni girl2. badtrep. kaya bago pa ko mahulog ng tuluyan kay girl2. this week lalayuan ko na talaga siya. wag lang siyang hahabol-habol sakin kundi baka hindi ako makapagpigil tatanungin ko agad siya ng, type mo ba ko kasi type din kita eh kaso amoy ng ibang kamay ng lalaki yang kamay mo eh. (parang kaya kong sabihin eh no?) ako na anak ng ampalaya. basta ititigil ko na para hindi nanaman ako mabroken hearted for the second time.
hindi naman sa picky ako pero gusto lang when i court someone, gusto ko ako lang. mahirap may kahati. mahirap may karibal lalo na kung kaibigan mo pa yung karibal mo. saka i learned my lessons very well. nasaktan ako nun eh hehe.
Showing posts with label valentines. Show all posts
Showing posts with label valentines. Show all posts
Monday, February 14, 2011
heypi yihee single
Pigeonholed under:
girl2,
lonely,
valentines
Monday, January 17, 2011
120 days of lie pt.5
ikatlong buwan ng kasinungalingan
february
kinabukasan....
kinabukasan valentine's na. ang hirap dalin ng bulaklak sa skul ng walang nakakapansin. lahat nagtatanong. at halos lahat rin alam ang panliligaw ko kay girl.
nung tanghali timing na pauwi siyang bulacan at break ko, pinuntahan ko siya sa dorm niya. sinupresa ko siya sa baba ng dorm at dun binigay ko ang mahiwagang mapupulang rosas na gustong-gusto magtapat ng pag-ibig. pero nangangatal ako sa kaba. umaapaw ang cardiac output ko sa bawat segundong katabi ko siya. parang akong nasa hyperbolic time chamber ni master kami ng dbz sa sobrang bagal ng oras. pero bigo akong sabihin ang mga makesong salita na "mahal kita," "will you be my gf," "alam mo bagay tayo kasi parehas tayo medyo kulang sa height" at kung anu-ano pa. pero ang importante kahit hindi ko sinasabi, sa kulay pa lang ng rosas, nilatay na siya ng pagmamahal ko. ang baduy ko amp!
kinabukasan, nakita ko na lang sa fb ang mga bulaklak at gifts ko na pinicturan niya kasama siya. ang sarap sa feeling sa lalaki nun kasi ibig sabihin pinahahalagahan niya yung binigay mo. at higit sa lahat may pag-asa ka. hindi ba? mageeffort ba ang babae na gawin yun kung wala rin siyang motibo?
nakausap ko siya sa fb at puro thank you siya sa sakin. ngayun lang daw kasi siya nakatanggap ng ganun. sa tatlong basurang bf nya nakalipas wala daw nakagawa ng ganung kasweetan. ganun, eh di ang laki na ng points ko dyan, gusto ko sabihin ng garapalan pero nanaig si mr. nice guy at nagpaka-nice ng sukdulan...
dumating sa point na sinabi ni girl na lalayo na lang daw siya kasi pakiramdam daw niya na siya ang dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin ni M. na giguilty daw siya. gusto niya magkabati kami ni M dahil napapansin na niya yung gap at ayaw niyang mauwi sa awayan. dahil natatakot akong mawala siya, nainitiate akong makipagayos. dahil affected na rin ang grupo namin tinawag ko sila lahat. tsaka may iba pa kasing problema ang barkada na dapat ayusin. as witness kasama din si girl. ewan ko nung habang naguusap kami ni karibal eh hindi ko napigilang umiyak sa harapan nilang lahat. sinabi ko....
"bakit siya pa. kaibigan kita eh."
"ewan ko bigla na lang eh.""mahal mo ba talaga siya?"
"oo.""eh di may the best man win na lang?"
halos ayokong sumagot sa tanong nyang yun dahil pakiramdam ko wala dapat hindi mo dapat binalak na ligawan ang babaeng alam mong nililigawan na ng kaibigan mo....
patuloy ang pagluha...
itutuloy...
itutuloy...
Pigeonholed under:
bitter daw,
lablayf,
luha,
roses,
valentines
Subscribe to:
Posts (Atom)
