Follow Me, Follow You

Showing posts with label girl. Show all posts
Showing posts with label girl. Show all posts

Sunday, April 03, 2011

120 days of lie pt.10 (story ender)

Huling buwan ng kasinungalingan
april

Hindi ko alam kung bakit nakikisabay ang buwan sa pagsulat ko ng kwentong ito. Nagkataon lang kaya. O sadyang ako yung nakikiayon sa paglipas ng buwan sa mga nangyari sa akin noong nakaraang taon.

Noong nanlalamig na sakin si F. Naiisip ko kailangan ko nang kumilos talaga. Tama na ang pakikipaglaro ni karibal. Sa oras na ito, ako naman ang makikipaglaro. Mas gagalingan ko at sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Dumating na nga ang April 5, 2010. Simula ng summer class namin. Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Makikita ko na ulit si F. Noong umaga nagkasalubong kami ni F, saglit lang kami nakapag-usap. Sabi niya may sasabihin daw siya sakin importante. Napansin kong iba na siya noong nag-usap kami. Parang may kakaiba, parang ang lamig. Hindi na siya yung babaeng nililigawan ko. Kinutuban ako pero nangibabaw pa rin ang mind-set ko sa balak ko.


Noong tanghali nagkasabay kami kumain ng lunch. Pero hindi pa rin niya sinasabi sakin yung sinabi niya kaninang umaga. Maraming tao sa Jollibee noon. Maraming estudyante naglipana para kumain din doon. Marami akong nakitang mga kakilala pero bumigat ang dibdib ko nung nakita ko siyang nandoon. Ang karibal kong si M na nakaupo malapit sa amin. Pero dedma lang. Wala akong akong paki kahit nandun siya. Ang importante, ako ako katabi ni F ngayon. Pero nung paalis na kami, bigla siya lumapit sa likod ni F at pabulong na kinausap ito. Wala naman akong magawa sa totoo lang dahil wala akong karapatan magalit since hindi pa naman kami. Mistulang sunod-sunuran akong parang aso kay F noon na nasa likod din niya si M. Noong nasa loob na kami ng college, ako na ang umiwas, sinadya kong magpaiwan sa kanila. Walang kasing patutunguhan kung ipagpapatuloy ko tong pagsunod. 

Noong paakyat ako ng hagdan, pababa naman si M na alam kong hinatid niya si F sa klase, nagbanggaan ang braso namin ng malakas. Napakalaki ng espasyo pero pilit niyang ginawa yun. Mabilis ang pangyayari kaya pinabayaan ko na lang. Ano to naghahamon ng away? Sa isip-isip ko. Pucha! ayos lang sakin at nagiinit narin ako noong mga oras na yun sa mga ginagawa niya. Wala na kong pakialam kung magkamajor offense ako, kick out na kung kick out. Isa na lang talaga at magwawala na ko.

Noong uwian nagtext sakin si F. Kita daw kami sa 2nd floor ng building at halos wala nang tao noon. Pero pagpunta ko nandun din si M. Sabi niya ay mag-usap daw kami ni M. Ok lang naman sakin. Interesado ko sa mga mangyayari. Pero kabadong-kabado na ko. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon. Noong nagkaharap naman kami ni M wala siyang imik. 

Diniretso ko siya, anu na? at tsaka para saan yung malakas na pagkakabangga ng braso natin kanina? wala......sagot nya.

Tangina! wala talagang kwentang kausap tong taong to. 
Kinakabahan ako noon kasamang nagiinit ang katawan ko sa nararamdaman ko. Halo-halo na ang emosyon ko, at gulong-gulo na ko noong mga oras na yun. Parang may dapat kong malaman.
Dumating si F at naupo kaming tatlo. Walang nagsasalita. Tahimik.

Sabihin mo na kasi. Kawawa naman si Ken oh. Basag ni F sa nakabibinging katahimikan Tanging kami na lang ang naiwan sa palapag.

Ayoko lang kasi ng may lumalapit sa girlfriend ko. Ano kamo? Tama ba ang pagkakarinig ko GIRLFRIEND? Nabibingi yata ako.

Hindi umuulan pero basang-basa ang mukha ko sa mga luha. Tuloy-tuloy na parang walang katapusan. Ano F, girlfriend? Kailan pa? Titig kong tanong sa kanya pero wala siyang imik, hindi siya makatitig sa akin. Walang may gustong sumagot sa simple at nagususumamo kong mga tanong. Inoffer ni F ang panyo pero nagmatigas ako. Para saan pa yang panyong yan? para ipamuka lang sakin na kaawa-awa ako? Nagwalk-out akong humahagulgol na parang bata. Hinabol ako ni M pababa ng building na akala ko concern siya para sakin. Yun pala pinadaan lang niya ko sa tagong daan palabas ng school para walang makakita at may magtanong pa. Hinawakan niya ko at nagpumiglas ako at baka masuntok ko lang siya. Lumabas ako ng kolehiyo. Walang pakialam sa pagtawid kesehodang masagasaan. Hindi na ko namili ng jeep na sasakyan kabaligataran sa normal kong ginagawa, basta ang gusto ko maibuhos ko ang bigat ng tubig na nasa mata ko. 



Pagsakay ko ng jeep, patuloy pa rin ang aking pagluha. Yumuko na lang ako at nagtakip ng mukha dahil nakita kong pinanood ako ng ale na katapat ko. Dito ko napagtanto ang lahat-lahat. Dito ko naisip na mukha pala akong tanga buong araw kakasunod kay F. Sabi ko pa naman na mas handa na ako ngayon makipaglaro pero sa huli ako pa rin ang napaglaruan. Sa halos limang buwan na kasama ko siya, kung alam ko lang ganito ang kahihinatnan sana hindi na lang ako nagpadala. Sana hindi ako nasasaktan ngayon, at sana hindi nagsibagsakan ang grades ko. Ngunit huli na. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Iniisip ko na lang na maganda rin at naexperience ko ang ganito. Naranasan ko ang masaktan.

Ilang araw at linggo ang lumipas. Wala akong natanggap man lang na text sa kanila. Wala man lang sorry. Parang walang nangyari. Nabalitaan ko pa na marami na pala ang unang nakaalalam na naging sila kaysa sa akin. Nabalitaan ko pa na naging MU daw pala sila. Dito lalo akong nagalit. Lalo tumatak sa isip ko na parehas lang pala sila manloloko, na lahat ay kasinungalingan, na dapat nga silang magsama. Kaya nakapagsulat ako sa blog noon ng masasakit na salita. Doon ko ibinuhos ang lahat sama ng aking loob.

Ilang araw pagkatapos ko yun malatlahala, tinext ako ni F. Magsosorry pa naman daw sana siya pero ganun ang nabasa niya, ganong klase daw pala akong tao. Wow naman ako pa ngayon ang masama ano? Marami siyang tinext noon na burado ko na. Wala namang saysay kung itatago ko pa yun. In the first place, karapatan ko na isulat ko yun sa blog ko at halos walang nakakaalam nun kung tutuusin kaya lang nakonsensya din naman ako. Nagsorry ako pero hindi na siya naniwala, hindi tinanggap. Dinugtungan pa ng maaanghang na text ng traydor niyang boyfriend. Sa huli, nagdecide na rin ako na tigilan na ang kalokohang ito. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako at iisipin ko silang dalawa.

BITTER. yan kasi ang bungad ng mga tao sakin kapag napaguusapan ang nakaraan. Ewan ko ba kung mapagusapan  eh parang bago ng bago kung baga parang kahapon lang nangyari. Stagnant pa rin yung pangyayari sa kanila kahit isang taon na ang lumipas. Ampalaya man ako sa tingin nila, alam ko naman may darating at darating dyan para sakin na mas worth kaysa sa kanya. Tuloy lang ako sa paghihintay...Sabi nga “When it comes to affairs of love and hurt, you have to wait for your heart to learn what your head already knows, then you can break free.”

Current status: Single. LOL
--The End.--

Thursday, February 17, 2011

120 days of lie pt.9

ikaapat na buwan ng kasinungalingan
march

eto na, the most memorable na nakasama ko siya. uuwi daw si girl sa gapo dun sa lola niya. i had no choice as a manliligaw but to escort her there. pero wala akong pera nun, meron lang ako P400-P600 lang yata na naipon ko sa baon ko. mahal ang pamasahe kaya kinailangan ko mangutang sa kagrupo ko sa duty. sabi ko kay girl ihahatid ko siya papunta run tsaka para na rin mameet ko lola niya. isa pa, ipapasyal nya daw ako dun at ipapakila daw sa mga kaibigan niya.

kitams, eto pinakamasarap sa lahat eh you’ll get to meet her relatives. mas makikilala mo siya and vice versa in a way. at very nostalgic yung araw na yun para sakin.

nung araw na yun, nagsinungaling ako sa ermats ko na buong araw ang duty namin kaya lusot na lusot ako. pumasok ako nakauniform, nagpalit sa ospital ng pang-alis, at pumunta sa 7-11 para magkita kami. sumakay ng jeep papuntang UST kasi nandun malapit yung terminal, destination gapo. habang nasa bus nagkwentuhan kami. dun niya kinuwento mga past boyfriends nya at masasabi kong puro tragic ang break-ups niya; sa bagay bihira lang naman ang healthy break-ups. siyempre hindi mawawala sa kwento si karibal M. nakwento niya sakin na umiyak din daw si M sa harap niya (at sa totoo lang wala akong pakialam dun). ilang hours din kami nagstay sa bus, gusto ko gumawa ng moves pero i stayed being mr. nice guy. nung nasa gapo na kami bumili kami ng cake sa red ribbon para sa lola niya. ok diba may pasuhol agad hehe. pagkadating namin sa bahay nila, nilibot niya ko sa bahay nila, kumain, tinignan yung mga picture niya nung bata siya, at nakausap ang lola niya. tapos kung saan saan kami nagpunta. nilakad namin ang mahabang hway para lang makapunta ng starbucks. pati school niya dati dinalaw namin at marami pa.

nung pauwi na we had to catch the last trip ng bus. nasiraan pa yung tryke na sinasakyan namin papuntang terminal kaya we had to walk. i felt sorry kasi pinagod ko siya sabi ko nga ako na lang itetext ko na lang siya kung hindi ako makaabot at makikitulog na lang ako. sabi niya wag na lang baka maligaw pa ko. in the end nakauwi rin ako.

while on the bus she texted me, she said:
thank you sa lahat at wala pa raw nakagagawa ng mga bagay na ginawa ko sa kanya like lahat ng kasweetan and all the efforts of going there.

Our SB Cups

i felt like i had the most of it. pakiramdam ko noon i was already being a boyfriend to her and her accepting me as her man. everything was magical. sana hindi na lang gumalaw yung oras nun and were stuck forever pero wala eh.....

itutuloy....

Friday, February 11, 2011

120 days of lie pt.8

ikaapat na buwan ng kasinungalingan
march

merong one time na pumunta ako sa dorm niya at nakapagusap kami ng matagal-tagal. may mga bagay na luminaw sa amin. at may isang bagay na akala ko ako na na ang pipiliin niya.

parehas pala kami ni girl. sinisave lahat ng text since december kung kailan nagsimula ang lahat. ako kasi sinisave ko sa cp ko lahat ng text niya sakin. siya naman, sinisave niya lahat ng text ko at lahat ng text ni karibal M.

sinabi ko sa kanya na noon, alam na ni M ang pakay kong panliligaw sa iyo. pero nagpresenta siya na itetext ka daw niya para malaman ang mga gusto mo at sasabihin niya sakin. hindi ko alam, na yung kaibigan ko eh may balak na pala siya na unahan ka niya sa akin.

pinabasa sakin lahat ni girl ang text ni M sa kanya. kitang-kita ko lahat ng pambobola at katraydoran.

nabasa ko din na nung inarkila ko yung mga barkada namin na magbigay ng lobo eh tinext niya kay girl na wala na daw siyang pakialam sa barkada at sa amin.ibig sabihin nagpapakaplastik lang kaya siya pag kaharap niya sila? galing niya. kaibigan nga siyang totoo. f*ck

sinabi din daw ni M noon sa kanya na sinabi ko raw sa kanya na bulaklak ang ibibigay ko nung valentines kay girl kaya  hindi na lang daw yun ibibigay niya.pero ang totoo, wala akong sinasabing ganun. kaya sabi ni girl sakin noon na medyo manlalamig na daw siya  kay M dahil simula`t sapol puro kasinungalingan lang pala ang sinasabi niya. inakala ko talaga dito na na mas malaki talaga ang edge ko para kaya girl dahil sa mga sinabi niya.

-------------
nagpasama si girl kung saan siya nagpapa-laundry.

nagbabantay: yan ba yung dati. iba yan ah.
girl: opo. iba po yan.
nagbabantay: nakasalamin yung dati eh. nanliligaw din?
girl: uhm uhm.

dun ko na realize na ibang klase siya at nagagawa niya kaming pagsabayin. ayoko magisip ng kakaiba pero basta hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko noon. dito dumating din yung point na medyo natatagalan na ko kung sino pipiliin niya. 4 months na rin pero sabi ko hindi ako pwede sumuko, pinasok ko ang sitwasyon na to at paninindigan ko. nasa instinct ko na rin na malapit-lapit na siya pumili.

Tuesday, February 01, 2011

120 days of lie pt.6

ikatlong buwan ng kasinungalingan
february
malapit na ang birthday niya at ako daw ang una niyang sinabihan, iniimbita na kung mag dedebut daw siya eh sa either sa gapo o sa bulacan gagawin. hindi daw niya sinabihan si M at ako pa lang. habang sinasabi niya yun eh pumapalakpak naman ang mga tenga ko sa tuwa. di ko na masyado maalala yung mga nangyari nung last february 2010 pero to cut the story short eh hindi natuloy ang debut niya dahil sa financial reason. bago siya mag birthday umalis kaming dalawa, nag sm kami then kumain(siyempre libre ko) tapos pinakilala ko siya sa isang hs friend na accidentally namin na meet. gusto ko sanang magsine kami kaso medyo wala na kong budget kasi pangkain lang yung dala kong pera at biglaan din ang lakad naming yun. pauwi, sinabi niya sakin na pumunta daw ako sa birthday niya sa dorm at haranahin ko daw ang loko. 11 halos mag 12 na kami nakauwi pabalik ng dorm niya. sa totoo lang hinahanap na ko sa bahay. nag-computer shop pa siya at sinamahan ko pa siya dun ng ilang minuto pero iniwan ko na rin siya dun. (hanep tong babaeng to, hindi sumusunod sa curfew hours ng dorm nila at nakuha pang magcomputer ng ganung oras. hehe)

siguro ang pinakamaling nagawa ko eh hindi ako pumunta sa araw ng birthday niya. wala kasi akong pera nun tsaka hindi ko alam tinatamad ako nung araw yun. dinahilan ko na lang na hindi ako pinayagan umalis. tadtad ako ng sorry sa text at sabi niya na malungkot siya pero late kung magreply at halos wala. tinanong ko kung galit siya hindi daw. later that day nalaman ko na lang na pumunta pala si karibal nagsimba silang dalawa at nagkaron ng small party kasama dormmates. 
ahhhhhh kaya pala hindi nagrereply dinahilan pa na malungkot. yun lang masakit sa dalawang nanliligaw na pinagsasabay, masakit sa isa kapag nalalalaman mong magkasama sila. pero buti na lang din hindi ako pumunta nung araw na yun. kasi kung pumunta ko, baka magmukha lang kaming gago sa simbahan pinagigitnaan namin siya. awkward diba.

itutuloy...

Monday, January 03, 2011

ikaw.



PUSONG LIGAW - JERICHO ROSALES

bakit ba ikaw agad naisip ko nung narinig ko tong kantang to. pakiramdam ko tuloy sadyang naliligaw ako. ikaw lang at unang nagpaiyak sakin ng ganun. hayyys kahit kaibigan ko ang nakatuluyan mo, kahit magkagalit tayo, iniisip ko pa rin one day magiging tayo. waaaaa! shemmmmmmmaaayyyyyyyyyyy! korni ko. haha