Follow Me, Follow You

Showing posts with label F. Show all posts
Showing posts with label F. Show all posts

Wednesday, December 28, 2011

happy first ♥

Hi Blog! Isang taon na pala tayong magkasama! Lumipas ang mga panahon ng una kitang makita, lugmok ako nun. Binalikan ko ang una kong post sayo, puro heartaches at kadramahan tungkol kay F lang naman ang laman. Alam ko sinisuka mo na ka-emohan ko nun. Pero hanggang ngayon sinusubukan kong isipin paano kung naging kami. Ewan kaya nga kinalimutan ko na siya (ano daw?). Pero sa totoo lang wala na kong nararamdaman sa kanya. :) Iyan ang totoo sigurado ako diyan.

Alam ko masaya na siya sa kinalalagyan at kinakasama niya ngayon. Masaya na rin ako para sa kanya kahit na inalis niya sa ko friendlist niya sa facebook, kahit wala ng pansinan, kahit dati close kami ngayon hindi na ulit magkakilala, kahit ilang beses ko siyang iniyakan, kahit dati mas pipiliin kong hindi pumasa ang grades pumasa lang ako sa puso niya (sa kasamaang palad binagsak ko parehas). Minahal ko pa rin siya ng buo. I miss the days.

Marami na rin akong nakwento kay blog. Hindi ko nga lang naikukwento lahat kasi minsan nahihiya pa ko. Sana this coming year marami akong makwento mapa English man o Tagalog. Alam ko kasi minsan dumudugo na din ilong nito ni blog eh kaka English ko pero carry lang ang trip. Maraming “sana” akong gusto mangyari sa 2012. Sana mabago ang lahat. Nararamdaman ko may kakaibang mangyayari eh. Oo, I can feel it! Kahit slight lang. May magaganap talaga, wag sana masama. Sana dumami followers ko, sana rin mapalitan ko na yung relationship status ko sa facebook, sana maging friends na ulit kami ni F, sana maging 4th year college na ko sa pasukan (Diyos ko po naman), sana dumami pera ko. Yun lang.

Gusto ko rin pasalamatan lahat ng naging participants ng blog na ito (kahit konti lang kayo happy ako). Sa mga naging kasa-kasama ko this year sa blogosphere! Ang laki ng utang ko sa inyo. Kahit dun sa mga nagpopost sa chatbox ko na hindi ko maintindihan ang salita, I love you all!

May gusto pala akong i-post kay blog kaso nahihiya pa ko. Sinabi ko nga! Mahiyain ako eh. Mag-gagather muna ako ng lakas ng loob. Tungkol muli sa mga kahalayan sa buhay ko. Ahheeem! Change topic, kung mapapansin niyo may bago kay blog. Meron na rin siyang status message sa baba ng header. Improving diba?

Call me an emo pero I‘ll leave this song for you. Haaayyy namiss ko siya, nabuo tong blog dahil sa kanya.



This has been Ken of Solitary Outbreak. See yah punks!
Pero seriously, I‘m grateful that I have reached this stage of blogging. I wish this blog more years to come.

Sunday, April 03, 2011

120 days of lie pt.10 (story ender)

Huling buwan ng kasinungalingan
april

Hindi ko alam kung bakit nakikisabay ang buwan sa pagsulat ko ng kwentong ito. Nagkataon lang kaya. O sadyang ako yung nakikiayon sa paglipas ng buwan sa mga nangyari sa akin noong nakaraang taon.

Noong nanlalamig na sakin si F. Naiisip ko kailangan ko nang kumilos talaga. Tama na ang pakikipaglaro ni karibal. Sa oras na ito, ako naman ang makikipaglaro. Mas gagalingan ko at sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Dumating na nga ang April 5, 2010. Simula ng summer class namin. Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Makikita ko na ulit si F. Noong umaga nagkasalubong kami ni F, saglit lang kami nakapag-usap. Sabi niya may sasabihin daw siya sakin importante. Napansin kong iba na siya noong nag-usap kami. Parang may kakaiba, parang ang lamig. Hindi na siya yung babaeng nililigawan ko. Kinutuban ako pero nangibabaw pa rin ang mind-set ko sa balak ko.


Noong tanghali nagkasabay kami kumain ng lunch. Pero hindi pa rin niya sinasabi sakin yung sinabi niya kaninang umaga. Maraming tao sa Jollibee noon. Maraming estudyante naglipana para kumain din doon. Marami akong nakitang mga kakilala pero bumigat ang dibdib ko nung nakita ko siyang nandoon. Ang karibal kong si M na nakaupo malapit sa amin. Pero dedma lang. Wala akong akong paki kahit nandun siya. Ang importante, ako ako katabi ni F ngayon. Pero nung paalis na kami, bigla siya lumapit sa likod ni F at pabulong na kinausap ito. Wala naman akong magawa sa totoo lang dahil wala akong karapatan magalit since hindi pa naman kami. Mistulang sunod-sunuran akong parang aso kay F noon na nasa likod din niya si M. Noong nasa loob na kami ng college, ako na ang umiwas, sinadya kong magpaiwan sa kanila. Walang kasing patutunguhan kung ipagpapatuloy ko tong pagsunod. 

Noong paakyat ako ng hagdan, pababa naman si M na alam kong hinatid niya si F sa klase, nagbanggaan ang braso namin ng malakas. Napakalaki ng espasyo pero pilit niyang ginawa yun. Mabilis ang pangyayari kaya pinabayaan ko na lang. Ano to naghahamon ng away? Sa isip-isip ko. Pucha! ayos lang sakin at nagiinit narin ako noong mga oras na yun sa mga ginagawa niya. Wala na kong pakialam kung magkamajor offense ako, kick out na kung kick out. Isa na lang talaga at magwawala na ko.

Noong uwian nagtext sakin si F. Kita daw kami sa 2nd floor ng building at halos wala nang tao noon. Pero pagpunta ko nandun din si M. Sabi niya ay mag-usap daw kami ni M. Ok lang naman sakin. Interesado ko sa mga mangyayari. Pero kabadong-kabado na ko. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon. Noong nagkaharap naman kami ni M wala siyang imik. 

Diniretso ko siya, anu na? at tsaka para saan yung malakas na pagkakabangga ng braso natin kanina? wala......sagot nya.

Tangina! wala talagang kwentang kausap tong taong to. 
Kinakabahan ako noon kasamang nagiinit ang katawan ko sa nararamdaman ko. Halo-halo na ang emosyon ko, at gulong-gulo na ko noong mga oras na yun. Parang may dapat kong malaman.
Dumating si F at naupo kaming tatlo. Walang nagsasalita. Tahimik.

Sabihin mo na kasi. Kawawa naman si Ken oh. Basag ni F sa nakabibinging katahimikan Tanging kami na lang ang naiwan sa palapag.

Ayoko lang kasi ng may lumalapit sa girlfriend ko. Ano kamo? Tama ba ang pagkakarinig ko GIRLFRIEND? Nabibingi yata ako.

Hindi umuulan pero basang-basa ang mukha ko sa mga luha. Tuloy-tuloy na parang walang katapusan. Ano F, girlfriend? Kailan pa? Titig kong tanong sa kanya pero wala siyang imik, hindi siya makatitig sa akin. Walang may gustong sumagot sa simple at nagususumamo kong mga tanong. Inoffer ni F ang panyo pero nagmatigas ako. Para saan pa yang panyong yan? para ipamuka lang sakin na kaawa-awa ako? Nagwalk-out akong humahagulgol na parang bata. Hinabol ako ni M pababa ng building na akala ko concern siya para sakin. Yun pala pinadaan lang niya ko sa tagong daan palabas ng school para walang makakita at may magtanong pa. Hinawakan niya ko at nagpumiglas ako at baka masuntok ko lang siya. Lumabas ako ng kolehiyo. Walang pakialam sa pagtawid kesehodang masagasaan. Hindi na ko namili ng jeep na sasakyan kabaligataran sa normal kong ginagawa, basta ang gusto ko maibuhos ko ang bigat ng tubig na nasa mata ko. 



Pagsakay ko ng jeep, patuloy pa rin ang aking pagluha. Yumuko na lang ako at nagtakip ng mukha dahil nakita kong pinanood ako ng ale na katapat ko. Dito ko napagtanto ang lahat-lahat. Dito ko naisip na mukha pala akong tanga buong araw kakasunod kay F. Sabi ko pa naman na mas handa na ako ngayon makipaglaro pero sa huli ako pa rin ang napaglaruan. Sa halos limang buwan na kasama ko siya, kung alam ko lang ganito ang kahihinatnan sana hindi na lang ako nagpadala. Sana hindi ako nasasaktan ngayon, at sana hindi nagsibagsakan ang grades ko. Ngunit huli na. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Iniisip ko na lang na maganda rin at naexperience ko ang ganito. Naranasan ko ang masaktan.

Ilang araw at linggo ang lumipas. Wala akong natanggap man lang na text sa kanila. Wala man lang sorry. Parang walang nangyari. Nabalitaan ko pa na marami na pala ang unang nakaalalam na naging sila kaysa sa akin. Nabalitaan ko pa na naging MU daw pala sila. Dito lalo akong nagalit. Lalo tumatak sa isip ko na parehas lang pala sila manloloko, na lahat ay kasinungalingan, na dapat nga silang magsama. Kaya nakapagsulat ako sa blog noon ng masasakit na salita. Doon ko ibinuhos ang lahat sama ng aking loob.

Ilang araw pagkatapos ko yun malatlahala, tinext ako ni F. Magsosorry pa naman daw sana siya pero ganun ang nabasa niya, ganong klase daw pala akong tao. Wow naman ako pa ngayon ang masama ano? Marami siyang tinext noon na burado ko na. Wala namang saysay kung itatago ko pa yun. In the first place, karapatan ko na isulat ko yun sa blog ko at halos walang nakakaalam nun kung tutuusin kaya lang nakonsensya din naman ako. Nagsorry ako pero hindi na siya naniwala, hindi tinanggap. Dinugtungan pa ng maaanghang na text ng traydor niyang boyfriend. Sa huli, nagdecide na rin ako na tigilan na ang kalokohang ito. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako at iisipin ko silang dalawa.

BITTER. yan kasi ang bungad ng mga tao sakin kapag napaguusapan ang nakaraan. Ewan ko ba kung mapagusapan  eh parang bago ng bago kung baga parang kahapon lang nangyari. Stagnant pa rin yung pangyayari sa kanila kahit isang taon na ang lumipas. Ampalaya man ako sa tingin nila, alam ko naman may darating at darating dyan para sakin na mas worth kaysa sa kanya. Tuloy lang ako sa paghihintay...Sabi nga “When it comes to affairs of love and hurt, you have to wait for your heart to learn what your head already knows, then you can break free.”

Current status: Single. LOL
--The End.--

Sunday, March 20, 2011

120 days of lie pt.10 (1/2 ang finale)

ikaapat na buwan ng kasinungalingan
march

Nang nagkahiwalay kami sa Olongapo, hindi ko alam na yun na pala ang huling araw na makakasama ko siya ng matagal. Huling silay ko na pala sa kanyang mukha bilang nagpapaligaw. Ang tanging paguusap na lang namin ay kundi sa YM, facebook o kaya sa text. Nung mga oras na yun nasa bus ako pauwi, akala ko ako na. Iniisip ko panalo na ko. Ngiti ako ng ngiti habang inaalala sa byahe ang mga ginawa namin. Masaya kong tinahak ang bahay at maluwag sa pakiramdam kong sinabi sa nanay ko ang kasinungalingang marami kaming ginawa sa duty kaya ako ginabi.


Natulog agad ako pagdating ko. Pero kahit pagod, hindi ko nakalimutang mag goodnight sa kanya. Bakit ba hindi ko masabi ang “i love you?” Hindi ko alam kung dapat ba sabihin ko yun since nanliligaw pa lang ako. Naguguluhan ako dahil unang beses kong manligaw noon. Maraming bumabagabag sakin kung sasabihin ko ang mahiwagang salitang yun.

Miss na kita. Hmmmm bola kahapon lang tayo nagkita eh. Natutulad ka na kay M nyan. Sira ang diskarte.

Ilang araw ang lumipas patuloy pa rin ang pagtetext namin. Alam ko nahahalata na ako ng nanay ko dahil ngayon lang ako naging tutok sa pagtetext. Kahit kasama ko siya sa paggogrocery hindi ako natitinag sa pagpindot ng cellphone ko. Pati pag-uusap sa YM tuwing gabi at minsan facebook sa hapon - lahat yun naging routine na sa akin sa tatlong linggong bakasyon na yun. Ang pinakamasakit na parte lang na sa mga oras na kausap ko siya, alam ko kausap din niya ang karibal ko. Kung katext ko man siya buong araw, katext din niya ang karibal ko buong araw. Kung online man ako at kausap niya, sigurado online din ang karibal ko at kausap siya.

Sa loob ng tatlong linggong bakasyon na yun, minsan nakausap ko siya ng nakainom sa YM at nagkataon na hindi online si karibal M. Marami siyang sinasabi nun na malabo. Depressed daw siya at kinukwento niya ang problema niya sa pamilya niya. Eto naman ako todo alalay sa kanya. Pagkakataon ipakita ang sinseridad bilang manliligaw. Napunta sa makulit na usapan na muli tinanong nanaman niya ko bakit siya ang gusto ko. Bakit siya ang napili ko. Tinanong na niya sakin to sa text noon kung bakit siya. Bakit mo naman natanong yan? Wala lang, gusto ko lang malaman. Marami naman kasi iba dyan. Ehhh gusto ko kasi kita eh. Tsaka mahal na kita eh. Dahil sayo nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Ahhh, akala ko kasi isasagot mo na wala lang na.....gusto ko lang kita gaya ng sagot ni M. Ang labo talaga nun. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot kong iyon at pinilit pa niya kong isulat sa English kung bakit ko siya mahal. Siguro ay lasing lang talaga siya kaya ganun mangulit kaya pagkatapos namin mag-usap ay ginawa ko agad yun. Assignment ko daw yun para sa kanya.

Kinabukasan pinabasa ko sa kanya. May patama rin yun sa karibal ko na sinungaling. Inspired ako habang sinusulat ko yun at pinost ko sa dati kong blog.

She Gave Me a Homework
A person was coaxing me to expound love. I told her that it is very much inconceivable to translate fragile love into man-made words. No one, even a genius can barely bear a chance. I retorted, “love cannot be explained, it is an innate feeling that must be shown.” And I know that I am being veracious when I typed in those words. Any word that comes out of a tricky mouth can disguise everything. Words are overly used. Even fabricated stories are easily said but never done.
But this very significant girl beseeched me to write how much this fondness I carry can run into words. Though I know farthest from the possible, what does the quote, “love can move a mountain” mean if I won’t hand a try.
A thousand of questions were asked and answered by me but when she asked me why her? I could only think of one answer. And that is I love her. I know telling a person that you love her would not make the person believe easily. People make use of this word to deceive. Love does not need a mouth to express how much he/she feels, love needs a person who is just true to everything he said and done. Like what I wrote before, “words are words, they are meant to be misspelled.” I am not writing here to describe what love is, because there are I know a bulk of adjectives to choose from.
The second question she asked me, “why do I love love her despite of everything?” Can a feeling be questioned? Neither me can explain it. Yet one thing I know is for surest, she made me do things I can’t do before.
Eventually, I am beginning to understand why my friend betrayed me; love knows no boundaries.
I may have failed to say what love is in words. I know when you’re reading this, you might be very disappointed. There is no need for me to play with three quarters of a million words just to bespeak how much I feel. But whatever it takes, choosing him or me, waiting I know better is not forever.

Tuwang-tuwa naman siya nung nabasa niya yan. Nagsosorry din siya sa pangungulit niya nung gabi. Lasing daw talaga siya. Hindi nga daw niya maalala yung ibang pinag-usapan namin. Sinabi ko na ok lang ok lang basta wag na ka ulit iinom sa susunod.

Isang gabi parehas na senaryo, kausap siya sa YM, napag-usapan namin si karibal. Sinabi niya sakin na naasar daw siya dito dahil may gusto siya malaman. Gusto niya malaman dahil nagtext daw sa kanya ang kapatid ni karibal na please daw paamuhin niya si M dahil nawawala na daw sa sirkulasyon.  Siya lang daw makapagpapaamo kay M. Tangina! Sa isip-isip ko, ano nanamang pakulo yan? Kaya eto naman si babae gustong-gusto pumunta sa Cavite para kay M. Sa totoo lang. Nagselos ako noong mga oras na yun. Masyado siyang affected. Masyado siyang nageefort para kay M. Dati nasabi ko rin sa kanya na nag-usap kami ni M. Sinabi ko sa kanya na sabi ni M sa akin na lalayo na siya at magpapaubaya na. Pero napansin ko kanya ang pagkaasar. Parang galit siya kay M noong sinabi ko sa kanya yun.

Masyado na ko nagtataka kay girl1 o  F. Tinanong ko siya kung bakit ganyan siya maka-react para kay M? Hindi ba dapat parang wala lang kung lalayo man siya kasi nanliligaw pa lang siya. Bakit nageefort ka para puntahan siya sa Cavite para lang malaman ang totoo tungkol sa sinasabi ng kapatid niya?  Eto yung mga senyales na alam kong katapusan ko na pero pilit kong ipinagsasawalangbahala ang mga nangyayari.

Noong mga oras na din yun kinausap ako ni M. Sinabi niya na,  

Pre sa tingin ko malapit na mamili si F. Walang sasama loob kung sino piliin sa atin ah.

Gusto ko siyang murahin ng ilang beses. Gusto kong ipamukha sa kanya na  

fuck you! traydor kang kaibigan! alam mo na ako nauna sa kanya pero sinusulot mo. Ibang klase ka!

Pero hindi ko kailangan sabihin ang mga salitang yan. Alam niya sa sarili niya ang pang gagago sakin. Sinabi pa niya na anong gusto mo? na walang kaagaw?  Sana naisip niya ang pinagsamahan namin. Sana may natitira pa siyang konsensya sa isip niya. Matalino pa naman siya pero gago pala. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Kasama pa nito, tinanong din ako ni F na kung mamimili man siya sana wag daw akong magiging bitter sa sinong pipiliin niya. Sinabi mo rin ba yan kay M? Oo. Shit! Nakakaramdam na ko talaga.

Sa tatlong linggong yun naubusan na ko ang pera. Kahit pang-load ay wala ako. Hindi na ko nakakatext sa kanya. Ngunit hindi naman ako nawawala sa YM. Hindi ko akalain na namimisinterpret na pala nila ako. Ang akala nila lumalayo na ko, nagigive way na ko. O gumagawala lang sila ng dahilan para ilayo lang talaga ako. Dumating sa punto na medyo malamig na rin ang pakikitungo sa akin ni F. Wala akong magawa. Wala. Wala. Nung hindi na ako nakatiis, nanghingi na ako ng pangload sa nanay ko. Binigyan naman ako. Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Tinext ko kung bakit pero sabi niya may ginagawa daw kasi siya.

itutuloy...