Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Tuesday, 28 December 2010

ang taymperss project

"taympers muna!"

yan ang kalimitang sinasabi ng mga bata kapag gusto nila itigil muna ang laro o kung meron silang gusto sabihin. hindi man ako bata parnya magawa pa ang gaang bagay, pero siguro ay magagawa ko ang katagang "taympers" na iyan dito sa blog na to.

bakit ba project ang taymperss? naalala ko nung hayskul ako, pag sinabi ng titser na may project kayong ganito, gusto ko lagi sakin ang pinaka-maganda, pinaka-astig at pinakapupurihin. hilig ko kasi ang arts nun kaya basta pagandahan at pamajor-majoran, pinagpupuyatan ko talaga. teka balik tayo sa tanong; pero sa totoo lang wala talagang sagot bakit yan ang pangalan ng blog ko.

oo hilig ko talaga ang pagsusulat, kung mababasa nyo lang yung una kong blog, puro english yun. grammar nazi eh no. siguro kapag tinopak ako magsusulat ako ng ganun dito. nagagawa ko lang kasi yun pag may inspirasyon.

bagong taon, bagong blog
oo medyo pangit na record sa huli kong blog marami na ko masyadong stalker dun nyahaha. para maiba naman simple at puti - malinis na intensiyon. asa naman haha! o sya sya nararamdaman ko marami-rami at mabaha-baha nga ang masusulat ko ngayun pagpasok ng 2011. year of the rabbit daw tamang-tama sa bagong theme ng blog ko: puti, good luck sana.

No comments:

Post a Comment