Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Wednesday, 29 December 2010

120 days of lie pt.1(1/2)

BITTER. yan kasi ang bungad ng mga tao sakin kapag napaguusapan ang past ko. ewan ko ba kung mapagusapan  eh parang bago ng bago kung baga parang kahapon lang nangyari. stagnant pa rin yung pangyayari sa kanila kahit isang taon na ang lumipas.

sabi sa my amnesia girl, pag may galit ka pa dun sa tao ibig sabihin hindi ka pa nakakamove on. hindi ko masabi na naglaho na lahat ng galit ko pero kumpara nung bago pa lang, ngayon halos wala na at mawawala na. ni wala na nga ako nararamdaman pag magkasama sila sa tuwing nakakasalubong ko. para sakin, ready na ko to befriends ulit haha! hindi ko nga lang alam kung sino ba dapat mag-initiate, ako ba o sila? sabi naman sa 500 days of summer “best way to get over a woman is to turn her into literature.“ makes sense. at yung ang ginagawa ko ngayon.

marami ang nagtatanong sakin ano ba ang nangyari at kahit kelan hindi ko nasabi ng buo ang kwento kaya iniisip nila na talagang bitter ako. mga tao naman kung makapagsalita talaga, akala mo sila yung nakaranas...

<<<<<<< sandali ma-rewind nga ang panahon <<<<<<<

120 days of LIE

unang buwan ng kasinungalingan
december

nagsimula ang lahat sa kantsawan. dun naman siguro nagsisimula ang lahat. foundation kasi ng kolehiyo namin nun at nataong kinakantsawan nila ko sa girl na to andyang picture dito, picture dyan. ayan tuloy nagkaroon lalo ako ng lakas ng loob para subukan manligaw kahit hindi naman kasama sa plano ko. tutal sabi ko sa sarili ko, nako chance na rin to since NGSB pa ako. nak ng teteng kasi kung alam ko lang dun magugulo ang buhay ko sana noon pa lang binalewa ko na iyang mga kantsaw na yan.

alam ko dati pa lang medyo naging interesado na ko sa babaeng first year college pa lang nung nakita ko siya kasi parehas kami medyo alangan sa height. parehas sa mga gusto sa music. at gusto ko yung personality niya parang magnet, parang madali siyang makaclose. pero walang plano talaga eh kasi sa totoo lang wala akong self-confidence. at dahil d ayan torpe ako at oo mahina talagako.

ilang mga araw nagdaan kahit kabado at utal-utal sinubukan kong kunin ang number niya.
ganito ang sitwasyon kung papaano kami nagkikita: sumasabay ako sa isa pa naming barkada kasi sabay sila ng daan pauwing bulacan. yun yung laging time lang na pwede ko siya makausap ng personal. magkaiba kasi kami ng section at salungat pa ang sked namin kaya swerte kung magkita kami.

alam lahat to ng barkada ko kasi open ako at dahil sa kantsaw nila ay naging desidido talaga ako. bumili pa nga ako ng regalo sa sm north kasama si eloi - barkada naming babae para makatulong sa pamimili ng damit.red ang paborito niya kaya kulay pula ang binili naming damit.december kasi noon pangregalo na rin at siyempre points din agad yun. inubos ko ang baon ko para bumili ng damit sa isang mamahaling brand, belt at magarbong pambalot sa isang gift wrap store.

itutuloy...

No comments:

Post a Comment