Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Thursday, 17 March 2011

silang dalawa nanaman?

Ilang araw din pala akong nawala. Masyado akong naging busy kumakailan. Lintik kasi na nursing to bakit ba ito kinukuha ko. Gusto ko sanang lumipat ng course pero sayang, malapit na rin akong makapagtapos. At tsaka no choice din ako kasi sigurado walang papayag kung lilipat man ako. Baka bugbugin lang ako ng tatay ko at palayasin ng nanay ko. Sa totoo lang delayed student ako. Dapat 4th year na ko sa pasukan eh. Dapat ilang buwan na lang magtatrabaho na ko bilang callboy este call center agent. Yun kasi balak ko unang pasukan pagkagraduate ko. Ewan ko kung bakit yun gusto ko. Gusto ko lang maexperience. Wala naman akong balak na sirain lang ang apat na taon kong pag-aaral ng nursing. Alam ko rin kasi makakarating akong US for sure. Halos lahat kasi ng kamag-anak ko nandun na, may lolo pa akong kano na gustong-gusto akong dalhin dun. Kaya hindi ko problema ang pagpunta dun kung tutuusin. Isa pa 100% passing rate yata ang nursing school na pinapasukan ko kaya sigurado hindi ko poproblemahin pumasa sa mga nursing exams.

Sa kabilang dako ng pagyayabang ko, iba talaga ang feeling ng nakakapasa - mapapasigaw ka talaga at mapapamura. Pumasa kasi ako sa Pharmacology removal exam ko. Subject na pangalawang beses ko na kinuha dahil sa walang-awa naming prof na puro pagbabasa sa projector ang alam gawin. Nung araw na nirelease yung results tuwang-tuwa ako sa nakita ko. Sa wakas hindi ko na rin makikita ang mukha nitong prof ko na mukang mala-Stairway to Heaven pumorma at sa wakas hindi na rin ako magsusummer class pa. Aking-akin ang summer ko. Aba apat na araw yata akong nag-aaral mula umaga hanggang gabi. Kasama pa nito, nagdasal ako kay St Joseph of Cupertino para ipasa ako. Ako ba talaga yun? Bumabait kasi pag may kailangan eh hehe...

Umalis agad yung isa kong barkada na pasado rin. Aalis daw sila ng mga kagrupo niya sa Nursing Research. Celebration sa pagtatapos ng final term. Mag Eenchanted Kingdom daw sila. Kaya naiwan ako sa klasrum kasama ang ibang barkada ko. Nagsimula na magsalita si prof para i-review ang bawat tanong sa exam. Wala pang tatlong minuto bumalik agad si Renz. Sumesenyas na lumabas ako ng klasrum. Agad-agad naman akong lumabas. Walang hiya-hiya sa prof na dati naman bumubuwelo pa ko kung lalabas ng klasrum, ngayon dire-diretso akong lumabas.

Tinatanong niya kung gusto ko daw bang sumama. Eh wala nga akong pera. 400 lang nasa wallet ko. Hindi kasya yun para sa malalayong lakaran tulad ng EK.

Popondohan daw nila ako. Aba ayos sakin yun biyaya na bakit ko pa pakakawalan. Palibhasa pasado kaya cool sakin kahit anong mangyari. Bumalik ako ng klasrum para kunin ang bag ko at dali-daling lumabas. Sori prof pero tapos na tayo. Tapos na rin ang dalawang sem nating paghaharap at pahihirap.

Pagbaba nakita ko ang grupo na pupuntang EK. Binigyan agad ako ng P350 ng isang kaibigan ko rin na kasama sa EK. Uyy Salamat, sambit ko.

Walang hiya P350 EK? Seryoso? Kung susumahin P750 kasama ng pera ko. Huling punta ko ng EK 1400 ang gastos ko. Jusko po saan ako pupulutin nito. Magmumukang pulubi ako sa kanila pag nagpatuloy to. Gusto ko na sanang magback-out dahil sa ganung kaliit na pera. Pero bulong sakin nung babaeng kaibigan ko rin, wag ka mag-alala meron pa ko dito kung kulang.

Habang nasa byahe dahil nagcocommute lang kami, naisip ko sana hindi na lang ako sumama. Dyahe kasi kahit saan ko tingnan. Isa pa nakapanguniform ako. Bitbit ko pa sa likod ang libro ko ng Pharma. Halatang biglaan. Paalam ko pa naman sa ermats ko na maaga akong uuwi dahil sasamahan ko pa siya sa bibilin niya.

Isa, dalawang oras. Pababang Walter Mart kung saan dito kami binaba ng bus, bungad agad ng mga tricycle drayber na sarado ang EK. Nabasag silang lahat. Nagpira-piraso ang kasiyahan nila. Pwera sakin na naayon ang lahat. Aba, swerte pa rin ako. Lagi yata akong sinuswerte nung pumasok ang  taon na ito. Laging naayon para sakin ang sitwasyon. Hindi na ako nakisama sa usapan nila dahil alam ko sabit lang ako. Makiki-ayon na lang ako kung ano man ang mapagdesisyonan nila.

Ang bagsak namin, Star City. Ayos lang sakin kasi sigurado kakasya ang pera ko dito.

Wala masyadong tao. Weekdays kasi at hindi pa bakasyon ng karamihan kaya talagang halos masolo namin ang mga rides. Halos sumakit ulo ko dahil sa dami naming sinakyan. Sulit ang P350 tiket na ride all you can. 

May nalaman pa akong isang bagay. Sila na pala? Meron kasi akong kinaasarang lalaki dun, si Dub. Bully kasi yun eh. Basta masama siya sa paningin ko. Nalaman ko yun nung naging katabi ko siya sa klase noon. Iba siya magsalita. May kayabangan palibhasa malaki katawan, pakiramdam niya magagawa niya lahat sa pamamagitan ng suntukan. Isip-isip ko, bakit kaya si Dub pa pinili niya? Talagang napapatingin ako tuwing maghoholding hands sila. Nanghihinayang kasi ako sa kanya ang ganda pa naman niya. Para pa naman siyang character sa Final Fantasy.

Kinagabihan pagkatapos ng all out rides, kumain kami sa isang chinese restaurant. Shit!!! Ang mamahal naman ng nasa menu nila! Buti na lang nandyan si Renz para sumalo sa kalahati ng bayad ko. Mas sanay kasi ako sa kanya magpalibre kasi barkada ko talaga yun. Habang kumakain, parang nahati ang grupo sa dalawa kahit nasa iisang lamesa lang kami. Ako naman na nasa gitna, neutral ako sa pakikinig sa magkabila dahil hindi ko naman talaga sila kaclose. Nakakasama ko lang sila pero hindi ko matatawag na barkada bukod kay Renz.

Sa gitna ng kwentuhan, sa puntong hindi inaasahan, narinig ko nanaman ang mga pangalan ng dalawang taong nagtaksil sa akin.  

Kamusta na kayo ni M? Nag-uusap na ba kayo? Hindi pa eh. Bakit Hindi? Galit pa ba kayo? Siguro.
Eh ni Girl1? Hindi na rin. Sino bang unang nanligaw sa inyo? Ako. Nakamove-on ka na ba? Urirat nila.

Eto na siguro yung mga tanong na dadalhin ko habang buhay. Sa totoo lang, hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong tinatanong tungkol dito. Isang daang beses na yata simula nung April 5, 2010. Pero hanggang ngayon, kahit wala na ko nararamdaman sa kanilang dalawa, sa mga ginawa nila sakin. Eh parang mas okay na hindi ko na sila makausap pa muli. Mas okay na parang hangin na lang ang isa’t-isa kapag nagkakasalubong. Tutal sanay naman na ko at malamang sila din.

May mga bagay na hindi na dapat ipagpilitan pa. May mga bagay sa mundo na dapat ibaon sa limot. Lalo na kung sarado ang isip nila at parehas pinagtatakpan ang mga butas nila na parang malilinis. Para lang yang plastic balloon. Pagkatapos mong hipan sa maliit na straw ang hangin, kailangan mong ihinto para hindi pumutok. Sigurado bubukas at bubukas ang mga butas kaya kailangan mong i-seal gamit ang labi mo. Pero pagseal mo, kitang-kita ang mga bakas. Di tatagal habang nireremedyuhan mo at pilit ibinabalik ang hangin sa loob, lalabas din ang hangin sa ibang parte kahit anong gawin mo. Ang hangin man ang ginawa nila sa akin at ang mga bakas ay gawa ng mapapapride nilang labi, sigurado di tatagal mahihirapan din sila sa pagtakip nito at sisingaw at sisingaw pa rin sa kanila ang hinipan nila papaloob.

Magiisang taon na pala no. Kamusta na kaya sila. Isip-isip ko sa sarili. Tinignan ko sa cellphone ko si girl1 kanina pero pangalan lang niya ang nandun, walang number. Pagtataka ko sa sarili dahil kahit kelan hindi ko siya dinelete sa contacts ko.

Sundan

No comments:

Post a Comment