Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Wednesday, 28 December 2011

happy first ♥

Hi Blog! Isang taon na pala tayong magkasama! Lumipas ang mga panahon ng una kitang makita, lugmok ako nun. Binalikan ko ang una kong post sayo, puro heartaches at kadramahan tungkol kay F lang naman ang laman. Alam ko sinisuka mo na ka-emohan ko nun. Pero hanggang ngayon sinusubukan kong isipin paano kung naging kami. Ewan kaya nga kinalimutan ko na siya (ano daw?). Pero sa totoo lang wala na kong nararamdaman sa kanya. :) Iyan ang totoo sigurado ako diyan.

Alam ko masaya na siya sa kinalalagyan at kinakasama niya ngayon. Masaya na rin ako para sa kanya kahit na inalis niya sa ko friendlist niya sa facebook, kahit wala ng pansinan, kahit dati close kami ngayon hindi na ulit magkakilala, kahit ilang beses ko siyang iniyakan, kahit dati mas pipiliin kong hindi pumasa ang grades pumasa lang ako sa puso niya (sa kasamaang palad binagsak ko parehas). Minahal ko pa rin siya ng buo. I miss the days.

Marami na rin akong nakwento kay blog. Hindi ko nga lang naikukwento lahat kasi minsan nahihiya pa ko. Sana this coming year marami akong makwento mapa English man o Tagalog. Alam ko kasi minsan dumudugo na din ilong nito ni blog eh kaka English ko pero carry lang ang trip. Maraming “sana” akong gusto mangyari sa 2012. Sana mabago ang lahat. Nararamdaman ko may kakaibang mangyayari eh. Oo, I can feel it! Kahit slight lang. May magaganap talaga, wag sana masama. Sana dumami followers ko, sana rin mapalitan ko na yung relationship status ko sa facebook, sana maging friends na ulit kami ni F, sana maging 4th year college na ko sa pasukan (Diyos ko po naman), sana dumami pera ko. Yun lang.

Gusto ko rin pasalamatan lahat ng naging participants ng blog na ito (kahit konti lang kayo happy ako). Sa mga naging kasa-kasama ko this year sa blogosphere! Ang laki ng utang ko sa inyo. Kahit dun sa mga nagpopost sa chatbox ko na hindi ko maintindihan ang salita, I love you all!

May gusto pala akong i-post kay blog kaso nahihiya pa ko. Sinabi ko nga! Mahiyain ako eh. Mag-gagather muna ako ng lakas ng loob. Tungkol muli sa mga kahalayan sa buhay ko. Ahheeem! Change topic, kung mapapansin niyo may bago kay blog. Meron na rin siyang status message sa baba ng header. Improving diba?

Call me an emo pero I‘ll leave this song for you. Haaayyy namiss ko siya, nabuo tong blog dahil sa kanya.



This has been Ken of Solitary Outbreak. See yah punks!
Pero seriously, I‘m grateful that I have reached this stage of blogging. I wish this blog more years to come.

8 comments:

  1. mga spammer na hindi mo malaman kung indonesian sa chatbox hahaha.. happy blogsary para sa blog na ito.hihihi.. ako sa jan 10 pa magiging 1 yr ehehehe me pacontest nga ako na ongoing.. sulat lang ng sulat, ako kahit walang kwenta sinusulat ko wahahaha.

    ReplyDelete
  2. Happy blogsary tol...
    parehas pala taU na hindi lahat napopost sa blog kc nahihiya din ako... ung bang masyadong emo na talaga...somehow Happy New Year... God bless and keep safe always :)

    @Mark- Maraming ding ngleleave ng msg skin sa chatbox Indonesians and Malaysians na hindi ko maintindihan... (I only know little Malay!)

    ReplyDelete
  3. @-mark- tatandaan ko yan batiin ko din si tonto potato sa jan 10. mukang di ako makakasali sa contest na yan hindi ako madalas makapagsulat eh hehe. salamat sa pagtangkilik :)

    ReplyDelete
  4. Nice thing. Okay na dn yan. Dami di nag lalast mag blog, but happy that you have gone so far na. It's my 4th year, kumbaga sa university, gagraduate n ako. but my masteral p and doctorate. so keep on writing.

    Thanks for the follow. happy holidays.

    ReplyDelete
  5. @Fermin Hamja salamat tol. yung nga eh sa blog na nga lang kailangan pang mahiya haha unless nababasa yan ng mga friends mo. sakin kasi secret lang. :) Happy New Year din kaibigan!

    ReplyDelete
  6. hi ken!

    Happy anniversary sa iyong blog.. in fairness naman. maganda ang outline mo. isa sa mga kinuhanan ko ng idea. pero taob parin ako sa graphics mo, astig eh. :D

    happy holidays, man. enjoy the rest of the week/year.. :)

    Joe

    ReplyDelete
  7. @Tim Smithson- hi tim long time no talk :) ikaw rin pala owner ng timescapades. sa totoo lang gusto ko rin talaga magsulat tungkol sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. i think magtatagal kami ni blog hehe. congrats 4 years ka na! sarap mag backread ng mga unang posts niyan. :)

    ReplyDelete
  8. @Joe salamat joe! at salamat din sa pagbisita. ahaha hindi naman na-tsamba lang sa pagkakalikot. wait ko new post mo :) Merry Christmas and Happy New Year din.

    ReplyDelete