Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Friday, 4 February 2011

120 days of lie pt.7

ikaapat na buwan ng kasinungalingan
march
 
hindi nga ko nakapunta nung birthday niya pero bumawi naman ako. umorder ako ng apat na pulang lobo sa bespren kong si eloi. balak ko sana yung may helium, yung lumilipad pero mahirap daw dalin kasi mahirap i byahe kaya sa stick na lang. ang problema lang, kailangan kong hipan lahat yun. todo effort naman ako sa paghipan. tapos sa apat na lobo nakasulat ang apat na salitang.....
"I WILL WAIT FOREVER."
bali nung midterm exam namin nangyari to. break at patago ko lahat ginawa kasi surprise nga. yung oras na dapat ay nagrereview ako eh binaling ko na lang sa paggawa ng lobo. nung nakita ni eloi sinabi niya sakin na, "forever is a lie" pero nagsawalang bahala ako. habang nasa corridor ako at nakita ako ni karibal sa student's lounge room na may hawak na mga lobo papunta sa kabilang room, lumabas pa siya dun at sinilip ako sa kabila. hayyyysss naiingit nanaman palibhasa walang lakas ng loob gumawa ng ganun.
pinlano ko lahat pagkatapos naming magexam, inarkila ko yung tatlo kong barkada. isa sa i, isa sa will, isa sa wait, at ako sa forever. paglabas niya ng room kung saan siya nag eexam eh isa-isa naming binigay yung lobo. siyempre ako yung huli, pagbigay ng forever na lobo inabot ko yung letter na ginawa ko at binati siya ng happy birthday. kitang-kita ng buong campus yung mga lobo at kitang-kita rin kay karibal ang matinding pagseselos. 
siyempre hindi mawawala ang picture taking. kaya lang ika nga, forever is a lie. kaya nabura ko na rin.
pagkatapos nun eh sinubukan naming magsimba kaya lang sarado. pero sa pagkakaalala ko nagawa rin naming magsimba ng kaming dalawa lang. habang nasa simbahan tinatanong ko kay Bro kung siya na nga ba talaga tapos iniimagine ko yung kasal namin. (lol walang masama managinip ng gising!) pero pagkatapos nga nun kumain kami at gusto niyang pabasa sakin ang sulat na ginawa ko sa harap niya. sabi ko wag dito sa kainan nakakahiya. ginabi na kami at sa dorm na lang niya namin yun ginawa. tapos nun may pinabunot siya saking sampung cards na may mga tanong at pinasagot sakin. marami yun eh nakalimutan ko nang lahat. siguro way lang niya yun para kilatisin ako kasi nararamdaman ko sa pagtitig niya sakin habang sumasagot ako.
kinabukasan nakita ko na lang ang primary pic niya na kasama ang mga lobo na binigay ko. heaven!
itutuloy... 

No comments:

Post a Comment