Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Monday, 14 February 2011

heypi yihee single



i feel lonely. uLOL
valentine’s na valentine’s nagmumukmok lang ako dito sa bahay. uulitin panoorin yung 500 days of summer (nakakalimang daan na ulit na yata ako -joke pangalawa pa lang). tapos iingitin yung sarili na buti pa yung iba may gf bf. may kadate. may ka holding-hands habang naglalakad pauwi. may katawagan na hon, bhie, labs, mahal, ney. na yung ibang lalaki ngayon busy-ing busy bumili ng bulaklak, chocolates, at magisip ng paraan pano nanaman atakihin sa kilig ang babae. yung iba nasa motel ahhhuuummm. kelan kaya ako magkakaroon ng kwento para sa valentines.....kwento ako ng kwento sa lablayf ko pero puro kabiguan lang naman.

tungkol nga pala kay girl2, tingin ko cease fire ko na ang pangchochorva ko sa kanya. ewan ko parang ang dami kasing lalaking lumalapit sa kanya. kasi nga single siya eh, boys magnet. tsaka parang na “turnoff“ ako kasi pinababayaan nyang i-holding hands siya(nasasarapan? pwede naman magsalita na wag o iiwas mo yung kamay mo), at hawakan siya sa may gilid ng tyan. tsaka na va-vibes ko yung isa kong barkada may mission impossible rin. gulat nga ko eh nakita ko hinalikan niya likod ni girl2. badtrep. kaya bago pa ko mahulog ng tuluyan kay girl2. this week lalayuan ko na talaga siya. wag lang siyang hahabol-habol sakin kundi baka hindi ako makapagpigil tatanungin ko agad siya ng, type mo ba ko kasi type din kita eh kaso amoy ng ibang kamay ng lalaki yang kamay mo eh. (parang kaya kong sabihin eh no?) ako na anak ng ampalaya. basta ititigil ko na para hindi nanaman ako mabroken hearted for the second time.

hindi naman sa picky ako pero gusto lang when i court someone, gusto ko ako lang. mahirap may kahati. mahirap may karibal lalo na kung kaibigan mo pa yung karibal mo. saka i learned my lessons very well. nasaktan ako nun eh hehe.

No comments:

Post a Comment