Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Saturday, 21 May 2011

❚ student nurse

   Malapit nanaman magsimula ang bagong semestre. Haharapin ko nanaman ang pinaka-sikat na kurso sa Pilipinas. Simula nanaman ng kalbaryo sa paggising sa umaga at kapag na-late ng gising, yung drayber nanaman ng dyip ang pagdidiskitahan ko. Eh sa totoo namang ang bagal nila magmaneho eh. Kung alam lang nila kung anu-ano na sinasabi ko sa isip ko tungkol sa kanila, kaya madalas umaga pa lang nagkakasala na ko. Ang hirap talaga pag nursing, wala kang karapatan ma-late. Sinasanay daw kami dahil buhay lagi ang nakataya kapag nasa totoong setting na. Hindi kaya biro ang ma-late, isa pa babayaran namin yun o magkakaroon ng tinatawag na Repeat Rotation o Make-up Duty—ibig sabihin magduduty ka ulit.

   Hindi ka rin pupwede pa petiks-petiks. Lalo na kung natoka ka sa mga Clinical Instructor na akala mo may lahi siyang Premenstrual Syndrome o PMS, alam niyo na yun. Ang sungit at dapat lagi kang busy, yun bang hindi ka nauubusan ng gagawin, dun pumapasok ang term na toxic. Kaya sa totoo lang, suki na ako ng mga pasyente sa pag kuha ng Blood Pressure. Minsan kahit yung mga bisita nagpapakuha rin. Nakakatuwa kapag nakikita mo mga reaction nila pag sinabi mong 140/90 po, ang taas po ng BP niyo, takot na takot sila nun, mataas na ba yun ano ba ang dapat na BP iho? Ah ehh ang normal po talaga kasi na BP ay 120/80 pero depende po iyon, may mga tao po kasing....Diba sikat ka kasi pakikinggan ka talaga nila.

   Meron din namang mababait na CI, yun bang nakaalalay sa lahat ng gagawin mo. Hindi nagagalit at higit sa lahat nakikipagkwentuhan. Minsan na-assign ako sa pedia ward, kukuhanan ko sana ng vital signs kaso iyak ng iyak yung bata, takot sa mga nurse at doctor lalo na hindi pa naman ako child friendly kaya yung CI ko na ang gumawa. May mga CI kasi na bahala ka pasyente mo yan, gawan mo ng paraan yan.

   May mga bagay na ayoko gawin kapag duty. Una, ayoko magpalit ng bedsheet ng sandamakmak na kama ng pasyente. Pakiramdam ko kasi housekeeper ang dating ko habang pinanonood nila ko gawin yun. At pangalawa, ayoko magpaligo o magpunas ng pasyente, depende na lang siguro kung maganda ang pasyente, kadalasan hindi. Ayos lang sa akin ang lahat wag lang ang dalawang yun.

   Sabi nila kung nurse ka dapat madaldal ka kasi way mo yun para ma-assess mo ng husto yung kalagayan ng patient. Intimidating to especially sa mga student nurse. Mahirap magbuild ng rapport lalo na kung hindi ka madaldal, o worst sa lahat shy-type. Uso pa ba yun? Mapagtatanto mong makapal din pala mukha mo pag nandun ka na.

   Sobrang dami pang experience pag nasa area ka, hindi mo mapapansin tapos na pala ang 6-8 hours shift mo na hindi man lang umuupo.

   Sa totoo lang trabaho ang laging iniisip ko kapag tapos na ko. Marami ang nurse ngayon sa Pilipinas na walang trabaho, maraming ka kompitensya para makapasok kaya pakiramdam ko naghihintay ako sa wala. Sana lang mali ang akala ko, sana lang...

5 comments:

  1. ako'y isang registered nurse din... nakapagtrabaho sa isang tertiary hospital pero ginive up ko rin dahil basta maraming dahilan....isa na dun ang pagrealize ko na wala duon ang puso ko... at dahil ganun, naisip kong maikli lang ang buhay para magpakaburyo bilang nars...ieenjoy ko muna kung anong meron ako...makakapaghintay naman ang narsing

    ReplyDelete
  2. yan din nasaisip ko after grad either second course or enjoy muna. salamat sa pagshare. :)

    ReplyDelete
  3. gudlak sa pasukan... ahahaha.... basta ipon ka ah... gagala tayo pag may time!

    ReplyDelete
  4. back to school na naman..... Haharapin na naman ang mga requirements...assignments... exams...quizzes...etc....
    \Kapagod dba???
    Good luck....

    ReplyDelete
  5. @Leonrap - sure! basta pag may time. medyo busy din kasi ngayung sem.

    @Fermin Hamja - yung req sa duty ang mabigat eh. nag school ka pa ba?

    ReplyDelete