Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Sunday, 2 January 2011

120 days of lie pt.3

pangalawang buwan ng kasinungalingan
january

hindi ko madiretso si girl kung nanliligaw ba si close friend kasi tingin ko wala kong right para tanungin yun. di ko lam kung bakit eh (keber?) text text ulit kami ni girl. kwento dyan kwento dito. makapal ang mukha ko sa text eh pero in person magkausap kami hindi naman. minsan nga nagpustahan kami tapos kung sino manalo magbibigay ng gift. syempre ako naman sadyang nagpatalo. akala nya biro lang yun pero nagulat siya nung binigyan ko siya ng red ribbon cake paguwi niya sa bulacan o gapo (hindi ako sigurado eh).

nung mga oras na akala ko jackpot na ko dahil tingin ko malabo na talaga manligaw si "kasabay sa bus" at mas malapit na kami ngayun ni girl, saka naman may biglaang nagyari na sobrang f*ucking hindi ko inaasahan. imba sa surprise. tinetext ako dati ni eloi na tingin niya eto si M may balak na manligaw kay girl pero sabi ko ng buong loob at walang pagaalinlangan na hindi yan kasi barkada natin yan, tagapayo sa lablayf ko at kasa-kasama ko lagi. siya pa nga kasama ko nung bumili ng cake sa red ribbon eh.

nung birthday ni M sinabi nya na ililibre nya ang barkada. sa gabi na yun magkakasama kami, biglang gulat ko at inimbitahan niya si girl. mas close pa sila kaysa sa amin ni girl. sila ang magkatabi at hawak pa ni M ang gamit ni girl.

P.I. TO THE HIGHEST ang gulat at galit ko! pero kailangan calm pa rin ako para hindi pumangit ang image ko kay girl. hindi ko maipinta ang nararamdaman ko at habang magkakasama kami na kumakain eh natapon ko ang softdrinks niya. nakakahiya sa kanya at sa grupo pero tuloy pa rin ang show. naisip ko sana matapos na ang gabing to. sana bangungot lang ang nakikita ko na mas close pa sila more than kami ni girl. F*UCK!

"alam niyang nililigawan ko si girl pero bakit naman ganun. kaibigan kita, kaibigan mo ko. sayo pa ko minsan nanghihingi ng payo. crossing the line na yang ginagawa mo pre." yan ang iniisip ko sa mga oras na pauwi kami pero wala kong lakas ng loob para isambulat ang nararamdaman ko. gusto kong ipaliwanag ang ethics of friendship at ayoko rin namang masira yun dahil may pinagsamahan naman kami kahit sa college lang kami nagkakilala.

lugmok na lugmok ako pag-uwi sa bahay. pakiramdam ko tinalikuran ako ng mundo kung bakit mga kaibigan ko pa ang mga karibal ko sa pag-ibig. kung bakit nagagawa nila sakin ang ganitong bagay ng walang konsensya.

itutuloy...

No comments:

Post a Comment