Pages

My photo
Pasig City, NCR, Philippines
Behind that black shaded eye-wear beholds those eyes itching to see a bolder world.

Monday, 17 January 2011

120 days of lie pt.5

ikatlong buwan ng kasinungalingan
february

kinabukasan....

kinabukasan valentine's na. ang hirap dalin ng bulaklak sa skul ng walang nakakapansin. lahat nagtatanong. at halos lahat rin alam ang panliligaw ko kay girl.

nung tanghali timing na pauwi siyang bulacan at break ko, pinuntahan ko siya sa dorm niya. sinupresa ko siya sa baba ng dorm at dun binigay ko ang mahiwagang mapupulang rosas na gustong-gusto magtapat ng pag-ibig. pero nangangatal ako sa kaba. umaapaw ang cardiac output ko sa bawat segundong katabi ko siya. parang akong nasa hyperbolic time chamber ni master kami ng dbz sa sobrang bagal ng oras. pero bigo akong sabihin ang mga makesong salita na "mahal kita," "will you be my gf," "alam mo bagay tayo kasi parehas tayo medyo kulang sa height" at kung anu-ano pa. pero ang importante kahit hindi ko sinasabi, sa kulay pa lang ng rosas, nilatay na siya ng pagmamahal ko. ang baduy ko amp!

kinabukasan, nakita ko na lang sa fb ang mga bulaklak at gifts ko na pinicturan niya kasama siya. ang sarap sa feeling sa lalaki nun kasi ibig sabihin pinahahalagahan niya yung binigay mo. at higit sa lahat may pag-asa ka. hindi ba? mageeffort ba ang babae na gawin yun kung wala rin siyang motibo?

nakausap ko siya sa fb at puro thank you siya sa sakin. ngayun lang daw kasi siya nakatanggap ng ganun. sa tatlong basurang bf nya nakalipas wala daw nakagawa ng ganung kasweetan. ganun, eh di ang laki na ng points ko dyan, gusto ko sabihin ng garapalan pero nanaig si mr. nice guy at nagpaka-nice ng sukdulan...


dumating sa point na sinabi ni girl na lalayo na lang daw siya kasi pakiramdam daw niya na siya ang dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin ni M. na giguilty daw siya. gusto niya magkabati kami ni M dahil napapansin na niya yung gap at ayaw niyang mauwi sa awayan. dahil natatakot akong mawala siya, nainitiate akong makipagayos. dahil affected na rin ang grupo namin tinawag ko sila lahat. tsaka may iba pa kasing problema ang barkada na dapat ayusin. as witness kasama din si girl. ewan ko nung habang naguusap kami ni karibal eh hindi ko napigilang umiyak sa harapan nilang lahat. sinabi ko....


"bakit siya pa. kaibigan kita eh."
"ewan ko bigla na lang eh."
"mahal mo ba talaga siya?"
"oo."
"eh di may the best man win na lang?"


halos ayokong sumagot sa tanong nyang yun dahil pakiramdam ko wala dapat hindi mo dapat binalak na ligawan ang babaeng alam mong nililigawan na ng kaibigan mo....
patuloy ang pagluha...

itutuloy...

No comments:

Post a Comment